Thursday, 17 May 2018

Magasawang Nagbabakasyon sa Isang Beach Napansin ang Tila Hugis Pritong Itlog na Palutang lutang sa Dagat, Nilapitan nila ito at Nagulat sa Kanilang Nalaman

May mga bagay talagang hindi natin inaasahan na nag eexist sa mundong ito at talagang gugulatin nalang tayo bigla.


Katulad nalang ng magasawang nagbakasyon sa isang beach na biglang napansin ang isang lumulutang na bagay na tila pritong itlog sa dalampasigan kung saan sila nagbabakasyon.


Dahil nagtaka ang magasawa kung bakit nga ba may napakalaking sunny-side up na lumulutang sa dagat na iyon at para alamin kung ano ba talaga ito, nilapitan ng lalaki ito at dahan dahang hinawakan.


Pero nang kanyang hawakan ito, walang nakitang reaksyon ang lalaki galing sa lumulutang na tila mukang itlog at patuloy lang ito sa paglutang sa dagat.

Kumuha ang lalaki ng kahoy upang baliktarin ang bagay na ito at para makita niya ang ilalim nito, pero ng baliktarin niya ang tila mukang pritong itlog na ito ay laking gulat niya ng makita niya na isa pala itong uri ng jelly fish o dikya.


Matapos niyang malaman ang katotohanan sa likod ng misteryosong tila mukang itlog na ito na isa palang dikya, iniahon niya ito sa dagat para makita at makunan ng litrato ng mabuti.


Dahil na curiuos siya kung anong uri ng dikya ito nag search ang lalaki online at dun niya na napagalaman na ang dikya pala na ito ay isang 'Cotylorhiza Tuberculata' species o mas kilala sa pangalang, Fried Egg Jellyfish.


Ang ganitong uri ng Dikya ay matatagpuan lamang sa mga dagat na may mainit na klima katulad ng Mediterranean, Adriatic at Aegean seas.

Napagalaman din na ang dikya na ito ay hindi delikadong hawakan dahil ito ay hindi nagtataglay ng lason na puwedeng ikapahamak ng mga taong madidikitan nito.


Ang ganitong uri ng dikya ay lumalaki ng hangang 35 centimetro ang lapad.


Talaga nga namang kahit sinong tao ang makakita dito ay pagkakamalan nila itong napakalaking pritong itlog dahil kuhang kuha nito ang imahe ng isang sunny-sideup.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only