Thursday, 10 May 2018

Magkasintahan Nakakita ng Maliit na Kahon na puno ng Putik sa Isang Kagubatan habang nag ha-hiking, Nang Buksan ng Lalaki ang Kahon dito na Simulang Lumuha ang Babae

Nagdesisyon ang dalawang magkasintahang ito na pumunta sa isang kagubatan upang mamundok. Namasyal lamang sila ng kanyang kasintahan upang maglibang sa kalikasan at magbawas ng stress noong mga oras na iyon.


Habang gamit ang isang metal detector na bitbit ng dalawa, natuklasan nila ang isang lumang kahon na puno ng putik sa gitna ng kagubatan. Nagulat ang dalawa dahil maaaring naglalaman ito ng isang mahalagan bagay o kayamanan.

Hindi akalain ng babaeng ito na ang kanilang pamamasyal sa isang masukal na kagubatan ay magiging isa sa pinaka espesyal na araw ng buhay niya.


Isang Facebook page na Viral TRND ang nagbahagi ng video ng dalawang magkasintahan na namamasyal sa masukal na kagubatan.


Sinubukan ng lalaki na tanggalin ang mga putik na nakapalibot sa kahon at napansi na may nakasulat sa taas na parte nito. Nakalagay sa kahon ang mga salitang "Matthew 13:44" isang berso sa bibliya.

Nang nilinis niya ng husto ang kahon, may nabasa pa syang isa pang berso ng bibliya na "Proverbs 18:22". Ang lalaki ay may dalang bibliya at tinignan nila kung ano ang sinasabi ng mga berso na ito.

Nang basahin nila ang mga nakasaad sa teksto, nasabi ng lalaki ang mga kasabihan sa bibliya tungkol sa isang lalaking nakahanap ng asawa at biyaya mula sa diyos.



Matthew 13:44 - “The kingdom of heaven is like treasure hidden in a field. When a man found it, he hid it again, and then in his joy went and sold all he had and bought that field".

Proverbs 18:22 - "He who finds a wife finds what is good and receives favor from the Lord".


Pagkatapos basahin ang mga berso, dahan-dahang binuksan ng lalaki ang kahon at nakita ang isang lumang tela na may laman na maliit na kahon.


Nang buksan ng lalaki ang maliit na kahon sa loob ng lumang tela, agad lumuhod ang lalaki at sinabing "maaari mo ba akong pakasalan?"

[“Will you marry me?”]


Napaiyak ang babae sa kanyang nakita at nalaman at agad nyang sinagot ng oo ang lalaki. Ang lahat pala ng ito ay planado na, wala siyang ideya na ang isang ordinaryong araw ay magiging espesyal na araw pala sa kanyang buhay.


Tuwang tuwa ito sa pagsisikap na ginawa ng kanyang nobyo para lang surpresahin siya. Batid sa mata ng kanyang nobyo ang sensridad na gusto talaga syang pakasalan at makasama nito sa habang buhay.

Tingnan ang kabuuang video ng nakakaaliw na pag-aalok na pakasal ng isang lalaki sa kanyang kasintahan:

Anong masasabi niyo sa pagsisikap at paghahanda ng lalaki upang alokin ang kanyang nobya sa kakaiba pero memorable na paraan Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: artistanow




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only