Friday, 11 May 2018

Magsasaka Pumunta sa Isang Bundok para Wakasan ang Buhay Matapos Malugi sa Negosyo, Pero Isang Puno ang Kanyang Napansin na Pumigil sa Kanyang Plano at Nagbago ng Kanyang Buhay

Lahat tayo ay nakakaranas ng pagsubok sa ating buhay pero ginagawa natin ang lahat para malampasan ito.


Ngunit may iba sa atin na dumaranas ng sobrang depresyon dahil sa mga pagsubok na kanilang nararanasan kaya naman minsan naiisip nalang nila na tapusin ang kanilang buhay para matapos na lahat ng kanilang paghihirap.

Isang halimbawa ng ganitong tao ay ang magsasaka sa bansang Japan na gusto ng itapon ang buhay dahil sa problema niya sa pera.


Si Akinori Kimura ay isang magsasaka na nakatira sa Aomori prefecture sa bansang Japan. Siya ay ikinasal sa gulang na 22 at sa isang babae na ang pamilya ay nasa pagsasaka ng mansanas ang negosyo.


Si Kimura ay dalawang put dalawang taong gulang palang ng pasukin nya ang buhay may asawa. Kagaya ng ibang kasing edad ni Kimura, siya din ay may pangarap na gustong abutin sa buhay at ito ay ang magkaroon ng malaking lupa na pwede nyang pagsakahan ng mansanas.


Ngunit ang sobrang paggamit nya ng pesticides o mga panglason sa mga insekto at fertilizer o pampataba ng halaman ay nagdulot ng masama sa kanyang katawan. Nagkaroon si Kimura ng malalang sakit sa balat, pero hindi lang pala sya ang naapektuhan dahil namaga din ang muka ng kanyang asawa.


Dahil sa nangyari sa kanilang mag-asawa, nag-isip ngayon si Kimura ng ibang paraan kung paano nya aalagaan at papadamihin ang kanyang mga mansanas ng hindi gumagamit ng mga kemikal.

Habang naghahanap sya ng paraan ay bigla siyang napadpad sa isang tindahan ng libro at doon nya nakita ang isang libro na pwedeng makatulong sa kanyang problema.


Ang nasabing libro ay tungkol sa pagpapalago ng mansanas gamit lang ang mga natural na paraan at mga kagamitan. Binili nya ang libro at sinunod ang mga paraan na nakasulat dito. Ngunit imbes na gumanda at dumami ang bunga ng kanyang mansanas ay kabaliktaran ang nangyari dito.

Itinigil nya ang paggamit ng mga kemikal dahil hindi ito ang natural na paraan ngunit nagsimula namang atakihin ng insekto ang kanyang mga halaman. Hindi din ito nakaligtas sa mga bakterya na syang dahilan ng pagkatuyo at paglagas ng mga dahon ng kanyang mga puno kahit na hindi pa panahon ng taglagas.

Dahil sa nangyari nagisip ulit sya ng paraan tulad ng pagwisik ng suka para maalis ang mga bakterya nito at para maibalikd din ang dati nitong sigla.

Ngunit matapos ang apat na taon ay hindi pa din ito bumabalik sa dati at namumunga, at sa ikalimang taon nito ay nagsimula itong manuyo at parang mamamatay na sa sobrang hina. Dahil sa patuloy nitong panunuyo at paglalagas, hindi maganda ang ani ni Kimura dahilan para siya ay malugi at magkaroon ng problema sa pera.

Lumipas ulit ang isa pang taon ngunit hindi pa rin nakakabawi si Kimura sa kanyang pagkalugi at lalong lumalaki ang problema niya sa pera kaya naman naisip niyang tapusin na ang kanyang buhay.

Pumunta siya sa bundok ng Iwaki para doon nya isagawa ang kanyang balak ngunit pagdating nya doon ay mayroon siyang nakita na nakapagpabago sa kanyang isip.

Habang siya ay naglalakad at nagplaplano sa kanyang gagawing ay biglang may umagaw ng kanyang pansin, ito ay isang mataba at masiglang puno ng acorn.


Laking gulat at pagtataka niya sa kanyang nakita dahil ang punong ito ay napakataba kahit na hindi ito ginagamitan ng pesticides. Nabaling ang kanyang isip sa kung paano ito nabuhay at tumaba ng ganoon kaya naman inobserbahan at pinag-aralan niya ito ng mabuti hanggang sa malaman niya na ang sekreto nito ay nasa lupa.

Hinukay niya ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng acorn at doon niya nalaman na ang dahilan ng pagiging mataba ng puno ay dahil sa malambot na lupa.

Dahil sa kanyang nadiskubre, agad siyang umuwi sa kanila at pinagaralan niyang mabuti ang mga insekto na nakakasira sa kanyang mga halaman, nagsagawa din siya ng mga eksperimento sa ibat ibang klase ng lupa.


Nalaman din niya na imbis na sugpuin ang mga insekto na dahilan ng pagkasira ng kanyang mga halaman gamit ang mga kemikal, gumamit siya ng isang paraan at ito ay ang paglagay ng mabuting insekto na kakain sa mga masasamang insekto na sumisira sa kanyang halaman.



Ang kanyang paghihirap ay unti unti ng nagkakaroon ng saysay ng makita nya ang mga puting bulaklak na namumukadkad sa mga puno ng mansanas.


Naniniwala din si Kimura na ang dahilan ng pagbalik ng dating sigla ng kanyang mga halaman ay dahil sa natural na kapaligiran at paraan na kanyang ginawa dito. Ayon sa kanya, “the wide variety of grasses in the field is keeping the balance in living organisms”. Dagdag pa nya na “I am just engaged in building the ecosystem in which the apple trees grow easily”.



Sa ngayon, kilala si Kimura bilang isang magsasaka na nakakapagpalago at nakakaani ng organikong mansanas kahit hindi siya gumagamit ng mga kemikal sa kanyang mga puno at halaman.



Anong masasabi nyo sa kuwento ni Kimura? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only