Saturday, 12 May 2018

Malungkot na Umuwi ang Mangingisdang ito Matapos Talaba lang ang Mahuli sa Buong Araw na Pangingisda nito, Pero ang Hindi niya Alam na ang mga Talaba Palang ito ay ang Mag-aangat ng Kanyang Buhay.

Malungkot na Umuwi ang Mangingisdang ito Matapos Talaba lang ang Mahuli sa Buong Araw na Pangingisda nito, Pero ang Hindi niya Alam na ang mga Talaba Palang ito ay ang Mag-aangat ng Kanyang Buhay.


Akala ng 70 Taon Gulang na Lalaking ito ay Bigo Siya Matapos Talaba lang ang Mahuli sa Buong Araw na Pangingisda, Pero Lingid sa Kanyang Kaalaman na ang mga Talaba palang iyon ang Magbabago ng Buhay Niya.

Totoo nga ang kasabihan na hindi lahat ng oras ay maghihirap ka, darating at darating ang araw na sweswertehin ka din sa buhay lalo na pag sinipagan mo pa ng husto.


Katulad nalang ng kuwento ng isang matandang lalaki na may edad na 70 taon gulang na tanging pangingisda nalang ang kinabubuhay dahil hindi na nito kaya ang ibang trabaho na kinakailangan ng pisikal na lakas sa ito ay mahina na.

Si Liu 70 taon gulang ay isang masipag na matandang lalaki na naghahanap buhay para may ipakain sa kanyang pamilya. Si Liu ay halos pangingisda na ang trabaho simula noong bata palang siya.


Madalas si Liu ay nangingisda gamit ang kanyang pamingwit at ang kanyang lambat upang mas mabilis na makahuli ng isda sa isang araw at para mas madami ang kanyang maibebenta at malaki ang kikitain niya.

Ayon kay Liu may araw na talagang uunti lang ang huli niya at tanging pang kain lang ang naiuuwi niya sa kanyang pamilya.

Pero isang ordinaryong araw umalis si Liu para mangisda at manghuli ng talaba para ipang benta. Dala dala niya ang kanyang pamingwit at lambat panghuli ng isda, alimango, hipon at talaba.

Matatapos na ang araw pero kakaunti parin ang huli ni Liu gamit ang kanyang pamingwit at ang tanging inaasahan nya nalang ay ang kanyang lambat na iniwan.


Pero pag angat niya ng kanyang lambat iilan lang din ang nakuha nitong isda at talaba at puro matatanda pa.
Dahil gustong makauwi ni Liu na may sapat na huli sinubukan niya ulit na itapon ang kanyang lambat umaasang makakahuli pa ito ng malulusog na isda, pero ng hilahin nya ito ulit nabigo ulit siya at puro talaba ulit ang kanyang nakuha.


Dahil matatapos na ang araw nag desisyon nalang si Liu na umuwi at lutuin nalang ang mga nahuling talaba para sa pamilya.

Hindi alam ni Liu na ang isang ordinaryong araw na iyon at akala nya ay umuwi siyang luhaan ay ang simula pala ng pagbabago ng kanyang buhay.

Nang buksan ni Liu ang mga talaba, laking gulat niya na naglalaman pala ito ng maliliit na mamahaling perlas na puwede niyang ibenta sa napakamahal na presyo.



Ayon kay Liu ito ang kauna unahang pagkakataon na nakakita siya ng perlas sa loob ng isang talaba, dahil boong buhay niya ng ginagawa ang trabaho na ito pero sa edad niyang ito pa lamang siya nakakita ng perlas.


Ayon kay Liu na napaka suwerte niya dahil daw dito puwede na siya tumigil sa pangingisda at magtayo na lamang ng maliit na negosyo gamit ang malilikom na pera sa pagbebenta ng perlas.

Mabuhay ka Liu at sana maging masagana ang buhay mo at ng iyong pamilya.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only