Saturday, 5 May 2018

Mamayan sa Isang Lugar na may Tourist Spot Pinahanga at Nahiya sa Isang Foreigner Matapos Nila Makitang Naglilinis ang Isang Foreigner sa Lugar Nila

Ang bansang Malaysia ay kabilang sa arkipelago ng Malay at ito ay isa sa pinakamagandang bansa sa silangang bahagi ng Asya. Ito din ay matatagpuan malapit sa ekwador kaya ito ay may tropikong panahon sa loob ng isang buong taon dahilan para ito ay madalas puntahan at tinaguriang pasyalan ng mga dayuhan.


Kabilang din sa bansang Malaysia ang Sabah at Sarawak at bahagi ng Borneo na kung saan makakakita kayo ng mga kakaiba at magagandang uri ng halaman at bulaklak. 

Dahil sa mga magagandang halaman at bulaklak na taglay ng Malaysia, hindi maiwasan na madami sa mga tao sa buong mundo ang naiingit sa mga mamamayan ng bansang ito. 


Ngunit, ang hindi nila alam malaking porsyento ng mga mamamayan ng Malaysia ang hindi nagpapahalaga sa mga yamang taglay nito sa katunayan pinapabayaan lang nila ito o di kaya ay sila ang isa sa hindi nagpapahalaga at nangangalaga dito.


Nitong nakaraang mga araw lang isang larawan ng banyaga na bumisita sa Malaysia ang lumikha ng ingay sa social media dahil sa ginawa nito sa isang lugar sa bansang Malaysia. 

Ang nasabing banyaga ay isang Australyano na may pangalan Tim Campbel at kung inyong makikita at mapapansin sa kanyang mga larawan, sya ay nakasuot ng helmet at may hawak na kalakay.

Gamit ang kanyang motorsiklo, pumunta si Tim sa talon ng Pecah Batu hindi para maligo sa masarap at malamig nitong tubig kundi para maglinis at pulutin ang mga kumakalat na tuyong dahon sa paligid nito. Bukod sa mga tuyong dahon, may mga basura ding makikita sa paligid ng talon na tinatapon ng mga taong namamasyal dito.


Sya ay nakasuot ng sando na kulay abo at itim na shorts at nakatapak na naglalakad habang pinupulot ay nililinis ang paligid ng talon. Ang mga mamamayan ng lugar na iyon ay lubos na nagpasalamat kay Tim ngunit sila din ay medyo nalulungkot at napahiya dahil banyaga pa ang naglinis ng lugar na dapat sila ang gumagawa.


Gamit ang kanyang motor at ang sidecar nito, kinuha nya lahat ng makikita nyang basura at tuyong dahon sa paligid ng talon at inilagay dito.

Talaga namang lumikha ng ingay sa social media ang ginawa ni Tim sa Pecah Batu, nagpapakita lang din ito na ang mga tao sa paligid ng talon at hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa likas na yaman na mayroon sila. 

Madami ding mga tao ang nagpaabot ng kanilang hinanakit sa mga lokal na mamamayan sa lugar na iyon sa pamamamagitang ng pagkomento sa mga larawan ni Tim sa social media. Ilan dito ay ang:


“As a local, I’m deeply embarrassed by this man’s action because it was us, the locals, who created the mess but it was a foreigner who actually cleaned it up,” at ang isa pa ay, 

“Can you see just how much rubbish Tim managed to gather? If we do our part, there shouldn’t be any rubbish in the sidecar of the motorcycle,"

Dahil sa mga komento ng mga tao at sa ginawa ni Tim, ang mga mamamayan at bisita sa lugar na iyon ay nagsimulang magpahalaga sa talon ay hindi na gumawa ng mga bagay na makakasira dito.





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only