Wednesday, 9 May 2018

Mapait na Kapalaran ang Sinapit ng Magasawa Matapos Pumanaw ang Tatlong Anak Dahil sa Isang Malagim na Pangyayari. Makalipas ang 6 na Buwan Isang Milagro ang Gumamot sa Kanilang Sugatang Puso

Isang masalimuot na pangyayari ang sinapit ng mag-asawang ito matapos na masangkot sa isang bangaan ang kanilang sasakyan na dahilan ng pagkawala ng kanilang tatlong anak.


Hindi inaasahan ng pamilyang ito na malalagay sa peligro ang buhay ng kanilang mga anak matapos masangkot sa isang malagim na pangyayari ang kanilang sasakyan noong 2007.


Tatlong magkakapatid ang pumanaw sa pangyayaring iyon na nag-iwan ng pinakamasakit na dagok sa buhay ng kanilang mga magulang.



Nangyari ang malagim na pangyayari sa pamilya Coble sa kaarawan ng kanilang anak noong ika-4 ng Mayo, 2007.


Ayon sa TODAY, sinabi na ipinagmamaneho raw ni Lori ang kanyang mga anak na sina Kyle, 5-taong gulang, Katie, 4-taong gulang, at Emma, 2-taong gulang, kasama ang kanyang ina na si Cindy pauwi sa kanilang bahay sa California. Galing sila sa isang eskursyon matapos ipagdiwang ang kaarawan ng anak niyang si Kyle.


Habang nasa kalagitnaan ng isang trapiko, isang 20 toneladang sasakyan na tinatayang may bilis na 70 mph ang patakbo, ang sumalpok sa likuran ng kanilang sasakyan.


Nagtamo ng matinding pinsala ang mga bata pati na rin si Cindy na halos nabasag ang mga buto sa katawan. Naiwan namang walang malay ang ina ng mga bata na si Lori ayon sa Oprah Winfrey Show.


Agad silang idinala sa ospital ngunit huli na ang lahat. Inabisuhan ang asawa ni Lori na hindi na isalba ang buhay ng kanilang dalawang anak na si Katie at Emma dahil sa trahedya. Nasawi rin si Kyle matapos ang ilang sandali pagkatapos abisuhan sila ng doktor na hindi na nakakatanggap ng hangin ang utak ni Kyle.

Nasabi ni Chris na: [Tiniggil na namin ang kanyang life support. Nararamdaman ko pa sa aking kamay ang tibok ng kanyang puso bago ito tumigil.]

Sobra-sobrang lungkot ang dinanas ng mag-asawa dahil kinailangan nilang ilibing ang kanilang mga anak.

Ayon sa interview ng TODAY kay Chris, hindi niya raw alam kung paano makaka recover sa nangyaring iyon.

Nanatiling matatag ang mag-asawa at sinubukang harapin ang lungkot sa pagkawala ng kanilang mga anak. Anim na buwan ang lumipas, isang mirakulo ang ipinagkaloob sa kanilang dalawa.


Hindi nila inaasahan na magkakaroon ulit sila ng tatlong anak na magkakambal. Hindi rin niya sukat-akalain na magkakaroon sila ng dalawang anak na babae at isang anak na lalaki. Inamin ng mag-asawa na isang senyales mula sa Diyos ang biyaya na pinagkaloob nito.


Halos isang taon matapos ang insidente, nanganak si Lori ng tatlong magkakambal na sina Ashley, Ellie, at Jake.

Sinabi ni Lori na: [Alam ng mga bata na mayroon silang mga ate at kuya sa langit.]

“They know that they have two sisters and a brother in heaven.”


Walang makakapagpalit sa mga nawalay na anak ni Lori. Ngunit sa pagdating ng kanyang mga bunsong anak na sina Ashley, Ellie, at Jake, malaki ang tulong na ibinibigay ng kanyang mga anak para magpatuloy na maging matatag sila sa buhay.


Hinikayat din ni Chris ang ibang taong tulad niyang nasadlak sa mga pagsubok sa buhay na wag mawalan ng pag-asa.



panoorin ang kabuuan ng kwento sa likod ng video na ito.


Ano ang masasabi niyo sa kwento ng pamilya ng mga Coble? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: artistanow




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only