Thursday, 3 May 2018

Matandang Babae, Bumili ng Isang Kahong Cotton Swab sa Isang Tindahan ng Ukay, Pero ng Buksan nya ay Laking Gulat nya na Imbis na Cotton Swab ay Mamahaling Alahas ang Laman nito

Sa panahon ngayon marami ang nahihilig sa mga ukay-ukay dahil sa mura na ito magaganda pa ang nabibili dito. Katulad nalang ng isang retiradong babae na si Loretta Simms na isang British National na mahilig pumunta at mamili sa mga ukay-ukay ng mga bagay na mumurahin.


Sa paghahanap ng mga mumurahing produkto, nagpunta si Loretta sa Cowichan Hospital Auxillary Thrift Store noong January 2018.

Habang tumitingin siya sa mga lumang produkto, napansin niya ang isang kahon ng bulak na nagkakahalagang 50 cents. Nakuha nito ang pansin ng matanda dahil sulit na sulit ito dahil sa laki ng kahon. Napansin niya rin na medyo mabigat eto at naisip na lamang na hindi pa ito nabubuksan at puno pa ang laman ng kahon.

Nagalak siya sa kanyang napili at naisipang bilhin ito dahil sa tingin niya maaari magtagal ng ilang buwan ang kanyang supply ng bulak.


Nang makauwi siya sa kanyang bahay, naisipan ni Loretta na buksan ang kahon na kanyang nabili sa ukay upang punan ang lalagyan ng kanyang mga bulak. Nang kanyang buksan ang kahon, nagulat siya sa kanyang nakita. Imbis na isang pakete ng bulak ang laman ng kahon, mga mamahaling alahas.

Isa palang kahon ng mga alahas ang nabili niya sa ukay. Nakita niya sa loob ng kahon ang walong singsing at isang perlas na kwintas.



Nasabi na lamang ni Loretta na: [Oh Diyos ko! Hindi ito kapanipaniwala!]

“Oh my God! This is so unbelievable!”

Pagkatapos niyang madiskubre ang mga iyon, ibinalita ni Loretta ang ito sa media. Ang walong singsing na nakita niya ay may mamahaling bato tulad ng mga diamante, ruby, at safiro nakalagay dito. Napansin niya rin na ang perlas na kwintas ay mamahalin dahil sa itsura at pinong hugis ng mga ito.

Muntik nang maitapon ni Loretta ang lalagyan ng mga alahas ng malaman niyang ito ay tunay na mga bato. Pinadala niya ang mga alahas na ito para masuri ang presyo nito sa mga sanglaan. Tinatayang 1,800 USD ang presyo ng alahas.


Ngunit umbis na angkinin ang kanyang mga nakuhang alahas, ibinalik niya ang mga ito sa Cowichan Hospital Auxillary Thrift Store.

Sinabi ni Loretta na: [Naramdaman kong hindi para sa akin ang mga alahas na ito.]

“I felt that this jewelry does not belong to me.”


Hindi siya naging masaya matapos makakuha ng ganoong mahahalagang alahas. Naisip niya na ibalik ang mga naturang alahas sa nararapat na may-ari nito. Nagulat ang mga trabahante ng ukay-ukay na pinagbilhan ni Loretta dahil binalik niya sa tindahan ang mga alahas na ito.

Nagulat ang may-ari ng tindahan na si Arlene Cristofoli dahil ibinalik ang kahon na naglalaman ng mga alahas. Sinabi rin niya na hindi niya inaasahan na ang mga laman ng kahon na iyon ay alahas kaya naman naibenta niya ito sa murang presyo.

Lahat ng trabahante ng lokal na ukay-ukay ay mga boluntaryong manggagawa. Lahat ng kinikita ng ukay-ukay na iyon ay napupunta sa lokal na mga ospital para sa mga nagkakasakit.


Napabilib ni Loretta ang mga manggagawa dahil sa pagbalik niya ng mga alahas. Sinabi ni Cristofoli na ang may-ari ng nga alahas ay pumanaw na. Sinabi niya na ang kapatid nito na naninirahas sa malayong lugar ang nagbenta ng mga alahas sa tindihan.

Ang mga alahas na ibinalik ni Loretta ay nasabing mabilis daw na inihanda para mabenta agad-agad. Lahat ng maiipon na pera ay ipagkakaloob sa ospital upang makatulong para sa mga nangangailangan.

Naging masaya si Loretta sa resulta ng mga nabentang alahas.


Dagdag pa niya na: [Magiging usap-usapan sa aming lugar ang nabiling jewelry box sa halagang 50 cents sa mga susunod na taon! Kung may magtatanong sa akin kung nakabili na ba ako sa isang ukaay-ukay, magalak kong masasabing oo!]

“Buying a jewelry box at 50 cents will be the talk of our town for the next few years to come! If someone asks me: ‘Have you bought anything from thrift stores before?’ I would happily reply: ‘Why yes of course!'”

Anong masasabi niyo kay Loretta sa pagbalik niya ng mga alahas? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only