Thursday, 10 May 2018

Matandang Lalaki na Pumasok sa Isang Mamahaling Restawran, Sinungitan at Pinaalis ng Isang Waitress Matapos ito Mag Order ng Isang Basong Tubig. Kinabukasan Nagsisi ang Babae sa Kanyang Ginawa

May mga pagkakataon na dumadating sa buhay ng isang tao na hindi nila maiwasang manghusga ng ibang tao dahil lang sa panlabas nitong hitsura.


Ayon nga sa kasabihan na “Dont judge the book by it’s cover” ngunit madalas pa din nating itong ginagawa pero madalas din tayo magkamali sa mga taong ating hinuhusgahan.

Isang napakagandang istorya tungkol sa panghuhusga ng kapwa ang kwento ng isang matandang lalaki at waiter sa isang restawran.


Si Ani ay isang waitress sa isang high-class na restawran kaya naman may kataasan din ang kanyang sahod dito na umaabot ng $1000 kada buwan.

for illustration purpose only

Siya din ang isa sa pinakamagaling, maganda at charming na waitress sa kanyang pinagtratrabahuhan kaya naman madalas siyang bigyan ng tip ng mga kustomer na kanyang pinagsisilbihan.

Ang restawran na pinagtratrabahuhan ni Ani ay may magandang disenyo sa loob kaya naman ang mga kumakain dito ay nakasuot ng magaganda at mamahaling damit na babagay sa kabuoang hitsura ng loob nito.

Isang araw, may isang matandang lalaki ang pumasok sa loob ng restawran na pinagtratrabahuhan ni Ani. Ang matandang lalaki ay nakasuot ng simpleng damit na hindi bumagay sa disenyo ng loob ng restawran at sa iba pang kustomer na kumakain dito.

for illustration purpose only

Si Ani ang itinalagang mag-asikaso sa matandang lalaki kaya naman ng makita niya ang kasuotan nito ay agad niya itong hinusgahan.

Inisip din nya na isa lang itong mahirap na magsasaka na gustong huminge ng libreng pagkain mula sa restawran. Agad naman nya itong nilapitan nang makita niya itong nakaupo na sa isang lamesa.


Nang makita ng matandang lalaki na papalapit na si Ani sa kanya ay agad itong huminge ng isang basong tubig at sinabing siya ay uhaw na uhaw na. Pagalit naman syang sinagot ni Ani at sinabing walang tubig sa kanilang restawran kundi puro mamahaling alak at inumin lang ang mayroon dito.

Pero nagmakaawa pa din ang matandang lalaki kay Ani at sinabi nya na saka na siya pipili ng oorderin kapag siya ay nakainom na dahil talagang uhaw na uhaw na sya. Ngunit masungit naman siyang sinagot at pinapaalis ni Ani sa kanyang inuupuan dahil sinasayang lang nito ang kanilang oras at hindi naman nito kayang bayaran ang kanilang serbisyo at produkto na pagkain sa kanilang restawran.

Pagkatapos itong marinig ng matanda ay agad itong tumayo sa kanyang inuupuan at naglakad papunta sa pintuan, ngunit bago sya lumabas ay lumingon ulit siya kay Ani para mag-iwan ng isang payo dito.

Sinabi ng matanda ky Ani na, “Do unto others as yu would have them do unto you. Treat others like the way you want to be treated” at pagkatapos niya itong sabihin ay lumabas na ito sa pintuan ng restawran. Ngunit hindi naman naapektuhan si Ani sa binitawang salita ng matanda sa kanya.

Kinabukasan, maaga palang ay nagpatawag ng pulong ang manager nila Ani at sinabing bibisitahin sila ng may-ari at direktor ng restawran na kanyang pinagtratrabahuhan kaya naman pinapaghanda nya ang mga ito sa pagdating ng kanilang bisita.

Nang malaman ni Ani na pupunta ang may-ari ng restawran ay agad itong nag-ayos ng sarili at nagpaganda para maayos syang tingnan kapag dumating na ang direktor. Ginawa nya ang mga bagay na ito para mapansin siya ng direktor at baka taasan ang kanyang sahod kapag nalaman nito na siya ang pinakamagaling na waitress sa kanyang restawran.


Nang paparating na ang direktor ay agad naman pinapila sila Ani at ang iba pang waitress sa labas ng restawran. Maya maya pa ay bumaba ang isang matandang lalaki sa kadarating lang na magarang sasakyan na tumigil sa harap ng restawran. Ang matandang lalaki na nakasuot ng simpleng kasuotan ay agad na pumunta sa mga waitress at staff na maayos na nakapila at nag-aantay sa kanya.

for illustration purpose only

Nang makita ng mga staff ng restawran ang matandang lalaki ay agad silang nagbigay ng respeto sa pamamagitan ng pagyuko at pagbati dito ng “Welcome Mr. Director”. Tumango naman ang direktor sa pagbating ibinigay sa kanya ng staff ng kanyang restawran at pagkatapos ay naupo na silang lahat.

Lumapit naman ang manager ng restawran kay Ani na kasalukuyang nakaupo sa upuan at sinabi nito na gusto siyang makausap ng kanilang Direktor.

Pagkatapos itong sabihin ng manager ay bigla nalang siyang nanginig at kinabahan dahil hindi nya alam ang gagawin at ang sasabihin sa kanya ng direktor.


Nang araw din na iyon nya nalaman na ang direktor pala ang matandang lalaki na kanyang binastos, sinigawan at pinaalis sa restawran nito mismo. Huminge naman ng tawad si Ani sa direktor sa kanyang nagawa na pambabastos at panglalait dito, ngunit huli na ang lahat dahil buo na ang desisyon ng direktor na tanggalin at paalisin sa trabaho si Ani.

Isang leksyon ang naituro sa atin ng kwento ni Ani at ng matandang lalaki at ito ay ang kabutihang asal. Kahit na mayaman tayo o hindi dapat hindi tayo basta basta naghuhusga ng ibang tao base sa kanilang kasuotan o hitsura. Lahat tayo ay pantay pantay sa mata ng ating Panginoong Dyos kaya naman lahat tayo ay may karapatan na tratuhin ng maayos at tama.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only