Tuesday, 1 May 2018

Matapos ang 38 Taon na Paghahanap, Nagkasama na sa Wakas ang Belgian National na ito at ang Kanyang Pinay na Ina. Ito ang Kanilang Istorya

Sa mundong ito, napaka swerte mo kung mayroon kang magulang na laging nanjan para gabayan ka at mahalin ka lalo na sa panahon kailangang kailangan mo sila.


Maraming tao sa mundo ang nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang, lalong lalo na yung mga taong ni hindi man lang nila nasilayan ang itsura ng kanilang mga magulang.

Kaya maraming istorya patungkol sa mga anak na hinahanap nila ang kanilang mga magulang ang nagkalat sa social media, katulad nalang ng kwento ni Caroline Van Gils.


Si Caroline Van Gils ay isang Belgian woman na pumunta sa Pilipinas para hanapin ang kanyang mga magulang. Pero ang hindi nya alam na ang kaisa isang tao na unang nasilayan sya nuong sangol pa lamang siya ay dumaranas na pala ng sakit na Alzheimer's disease.

image credit: Youtube/GMA Public Affairs

Paano nya nga ba nagawang mahanap ang kanyang mga magulang?

Nahanap ni Caroline ang kanyang mga magulang dahil marami ang naantig sa estorya ni nya lalong lalo na ng e-ere ng sikat na programa ng GMA, ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang storya ni Caroline.

Dahil duon mas naging madali ang paghahanap nya sa kanyang mga magulang.

Ang paghahanap ni Caroline ay lumipad patungong Bacolod City kung saan duon nya nalaman ang totoong kwento kung bakit nga ba nawalay siya sa kanyang mga magulang.


Ayon sa kwento na nuong Oktobre 9, 1979 si Lelia Mahayag na ngayon ay 65 taon gulang na ay nanganak sa isang sanggol na babae na pinangalanan niyang Connie Dechino. Pero dahil ang batang ito ay produkto ng kanyang pagsama sa isang lalaki na kasal na ay pinili nya itong itago at gawin sikreto.

Para manatili ang sikreto, iniwan niya ang sanggol sa kanyang pinsan na nagngangalang Asuncion. Pero dahil nagkasakit ang sanggol at wala siyang sapat na kakayahan para ipagamot ito napilitan si Asuncion na dalhin ang sanggol sa isang bahay ampunan.

image credit: youtube/KMJS


At duon, inampon ng mag asawang Belgian ang sanggol na pinangalanan nilang Caroline.

Ayon kay Caroline na:

“My adoptive mother gave me all the tools that I needed to have a good life. But the emotional concept was missing. The warmth of the family bond, I missed it,”


Ito ang paliwanag ni Caroline, kung bakit nya piniling hanapin parin ang kanyang mga tunay na magulang kahit pa napakaganda na ng buhay nito sa belgium.

Matapos magkita ang mag-ina, dumaan sa DNA test si Leila at Caroline upang konpirmahin na sila talaga ay mag-ina. Ng lumabas ang result inimbitahan ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang dalawa at duon napagalaman na sila talaga ay tunay na mag-ina.






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only