Sunday, 13 May 2018

May-ari ng isang Jewelry Shop Pinagbentahan ng Isang Mamahaling Kuwintas ang Isang Batang Babae na may Dala Dalang 9 na Pirasong Barya Matapos Niya Malaman ang Dahilan ng Bata Kung Bakit nito Gustong Bumili ng Kuwintas

May mga bagay sa mundo na hindi basta basta nabibili ng pera, katulad ng pagmamahal ng ating mga magulang at kapatid saatin, isa ito sa pinaka mahalagang regalo na ibinigay ng diyos simula tayo ng ipanganak.


Katulad nalang ng kuwento ng magkapatid na ulila na sa mga magulang.

Maagang naulila sa mga magulang sina Meizi at Ling ng sila ay masangkot sa isang aksidente. Sampung taon ang tanda ni Meizi sa kanyang kapatid na si Ling, kaya naman ito na ang umako ng responsibilidad ng kanilang mga magulang.

Hindi na ipinagpatuloy ni Meizi ang kanyang pagaaral at nagtrabaho na lamang ito para masuportahan ang pag-aaral ng kanyang kapatid at pang araw-araw na gastusin nilang dalawa.


Isang araw, nakita ng may-ari ng tindahan ng alahas si Ling na nakatayo sa labas ng kanyanh tindahan. Napansin nitong nakatingin si Ling sa isa sa mga kuwintas na naka-display sa labas ng tindahan niya. Nang pumasok si Ling sa loob ng kanyang tindahan ay napaisip siya kung ano ang gusto nitong bilhin.


Lumapit si Ling at sinabi sa may-ari, “Magandang araw po ginoo, nais ko po sanang bilhin ang kuwintas na naka-display sa may labas ng inyong tindahan, bibilhin ko po sana ito para sa aking kapatid" dagdag pa niya na kung pwede itong balutin ng maganda gandang pambalot ng regalo.

Hindi naman maiitatago ng may-ari ang kanyang pagdududa kung  mayroon ba talaga itong pera kaya naman tinanung niya ito ng “Iha, may sapat ka bang pera?”

Maingat na inilabas ni Ling ang lumang paper box, binuksan at inilagay sa mesa ang laman nito. Tinignan ni Ling ang may-ari at tinanong, “Sapat na po ba ito? Ito lang po ang meron ako.”



Binilang ng may-ari ang siyam na pirasong barya na ibinigay ni Ling at pilit na ngumiti. Dahil sa gustong-gusto ni Ling ang kuwintas ay ipinaliwanag nito kung bakit niya ito gusto bilhin.


Sinabi ni Ling na, “Ngayon po ang kaarawan ng ate ko at gusto ko ibigay ang kuwintas sa kanya bilang regalo. Maagang pumanaw ang mga magulang namin at ang aking ate nalang ang  nagiisang bumubuhay sa akin. Gusto kong ibigay yan para matuwa siya dahil hindi pa siya nakapagsuot ng kuwintas noon kaya sigurado akong magugustuhan niya ito.”

Matapos marinig ng may-ari ang sinabi ni Ling ay kinuha na niya ang kuwintas na gusto niya, ibinalot sa pulang kahon na velvet at nilagyan ng silver na ribbon.

Ibinilin pa niya kay Ling na ingatan ng mabuti ang regalo at siguradong maganda at bagay sa ate niya ang kuwintas.


Hindi maganda ang takbo ng negosyo ng may-ari ng tindahan ng alahas pero kuntento pa din ang puso niya. Nang magsasara na siya ng tindahan, may dalagang lumapit sa kanya.

Maganda ito at may mahabang buhok, ngunit napansin niyang umiiyak ito. Lumapit ito sa kanya at sinabi, “Magandang hapon po, ako po yung kapatid ng batang bumili sa inyo ng kuwintas. Ako po si Meizi at yung kapatid ko po ay si Ling.”

Pinakita ni Meizi ang kuwintas na binili ni Ling at sinabi nya na, “Magkano po ba ang kwintas na ito?” Ngunit hindi ibinahagi ng may-ari ang halaga ng kuwintas at sinabing binili na ito ni Ling.


Lalong ipinagtaka ni Meizi ang sinabi ng may-ari. “Pero konti lang ang pera ng kapatid ko, papaano niya nabili ang kuwintas. Meron pa itong mamahaling bato, hindi ito kayang bilhin ng mga katulad namin na mahirap. Kunin niyo na po.” Ngunit hindi tinanggap ng may-ari ang kuwintas at iginiit na binayaran na daw ito ng kapatid niya.


Ipinaliwanag ng may-ari, “Ang kapatid mo ang may pinakamataas na presyo kaya hindi ko ito tinanggihan. Sa aking palagay, sakto ang halaga kaya naman binenta ko ito sa kanya.”

Dito lubos na naitindihan ni Meizi ang halaga na ipinakita ng kapatid niya. Ito ay ang pagmamahal ni Ling sa ate niya kaya naman ay ibinenta ng may-ari ang kuwintas.

Talagang napabilib ang may-ari sa pagmamahalan nilang magkapatid. Kaya naman dapat na pahalagahan natin ang ating pamilya dahil mas higit pa ang pagmamahal nila sa kahit ano mang materyal na bagay na ating makikita sa mundo.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only