Friday, 18 May 2018

Mayamang Estudyante, Hindi Maipasok ang Biniling 100 Inches na TV sa Elevator ng Kanyang Condo, Pero Nakagawa ng Paraan na Talagang Ikinagulat ng Ibang Taong Dumadaan

Si Wang Xicong ang nagiisang anak at tagapagmana ng pinakamayamang tao sa buong China, ito ang isang dahilan kung bakit kaya niyang gumastos ng limpak limpak na salapi sa mga bagay na hindi naman masyadong importante.


Maraming naiingit sa marangyang pamumuhay ni Wang Xicong at kahit sa mura niyang edad ay kaya niya ng bumili ng mga mamahaling gamit.


Taong 2016 ng maging usap usapan at laman siya ng mga balita, siya kasi ay bumili ng maraming Iphone para sa kanyang aso na Siberian Husky na hindi naman marunong gumamit nito.


Madalas din niyang pinagmamayabang ang kayamanan ng kanyang mga magulang dahil gusto niya na lagi siyang pinaguusapan at ang atensyon ng tao ay laging sa kanya lang.

Kamakailan lang ay gumawa nanaman siya ng ingay sa social media at mga balita sa China dahil siya ay bumili ng 100 inches Sony flat screen na telebisyon na may bigat na 200 kilos.


Malaki din ang nagastos ni Wang Sicong sa kanyang nabiling telebisyon siguro dahil narin sa laki ng screen at tatak nito, ngunit, bukod dito ay gumastos din siya ng malaki sa paghatid at paginstall nito sa kanyang tinitirhan.


Hindi naging madali ang paghatid ng telebisyon sa tinitirhan ni Wang Sicong, dahil kahit na high-end na ang mga kagamitan at ang gusali na kanyang tinutuluyan ay nagkaroon pa din sila ng problema.


Masyado kasing malaki ang telebisyon na kanyang nabili kaya naman hindi ito kumasya sa loob ng elevator na isa sanang mabilis na paraan para maiakyat sa 23rd palapag na tinutuluyan ni Wang Xicong.


Dahil ito ay nakatira sa mataas na palapag, kailangang magpadala ng dagdag na 20 tao ang manufacturer ng telebisyon para lang mabuhat at maihatid ito ng ayos sa tinutuluyan ni Wang Xicong.

Para madala sa 23rd palapag ang telebisyon kailangan nila itong buhatin gamit ang lubid at idaan sa bintana ng nasabing palapag. Ngunit hindi ito naging madali para sa kanila, halos siyam na minuto din ang ginugol nila maihatid lang ito at maikabit sa tinutuluyan ni Wang Xicong.



Madami ang nakakita at nakabasa ng kwento patungkol sa telebisyon na nabili ni Wang Xicong at marami din ang nagtataka kung bakit hindi nalang muna bumili ng Mansyon si Wang Xicong bago siya bumili ng malaking telebisyon.


Isa din sa mga nakabasa ang nagsabi na kung nahirapan silang iakyat ang telebisyon paano nalang kung ibababa niya ito kapag lumipat na siya ng bagong bahay.

Ano inyong opinyon sa artikulong ito? Ibahagi saamin.

source: goodtimes


SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only