Friday, 18 May 2018

Mga Batang Babae, Nakarinig ng Misteryosong Tinig na Nagmumula sa Isang Tubo, Pero ng Malaman nila kung Ano ba talaga ito Agad silang Humingi ng Tulong

Habang naglalakad sa kanilang lupain, bigla nalang nakarinig ng iyak galing sa isang nanganganib na hayop ang anak na babae ni Nick at Marnie Zielinski kasama ang kanyang matalik na kaibigan noong Setyembre ng 2017.


Ang narinig palang iyak ng mga bata ay nagmumula sa isang hayop na naipit sa loob ng tubo ng kanilang palatubigan.


Dahil nais nilang tulungan ang kawawang hayop na ito, nagmadali silang humingi ng tulong para iligtas ito. Hindi nagtagal, dumating ang isang grupo ng animal rescuers para iligtas ang nasabing hayop.


Doon na nila nalaman at nakita na isa palang maliit na tupa ang natrap sa loob ng tubo ng kanilang patubigan.

Ang pagtulong nila sa kawawang tupa ay tinawag nilang “Operasyon Para Iligtas Ang Tupa.”

Minadaling tanggalin ng mga rescuers ang mga lupang nakapalibot sa tubo at ginamitan ng liyabe ang tubo upang buksan at mapalaya ang tupa sa pagkakakulong.


Sabi pa ng mga bata habang nakatingin habang sinasagip ang tupa na: “Nakikita ko na ito... Buhay ang hayop... Kulay Itim ito.”

[I can see it … It’s still alive … It’s black.]

Ngunit nahirapan ang mga rescuers na buksan ang tubo dahil sa napakalaki ito at mejo kinakalawang na, kaya naman sinubukan nalang butasin ng isang rescuer ang tubo para magsilbing daanan ng tupa.

Kumuha ang isang rescuer ng angle grinder para gumawa ng butas na sapat ang laki upang magkasya ang tupa.



Habang pinipilit na buksan ang tubo upang mailabas ang nakakaawang tupa. Ang nakakapagtaka lang dito ay kung paano nga ba ito napunta sa loob nito.


Pagbukas ng tubo agad nilang nakita ang nakakaawang tupa.


Nang mabutasan nila ang tubo, isa sa mga rescuer ang dahan-dahang kumuha sa tupa.


Nang matanggal na ang tupa sa pagkakakulong sa tubo, nagmadali ang mga bata na malapitan ito dahil sa sobrang tuwa. Sinabi pa nila na, “gusto kong mahawakan.”


Nakunan ng video ang mga pangyayaring habang inililigtas ang tupa at ini-upload ito sa Facebook page na Zed and Co Freerange Farms.


Isang Facebook user ang pumuri sa mga bata at rescuers sa pagligtas sa tupa at sinabing: “Mabuti naman! Ang swerte ng tupang ito! Ang galing ninyong nga bata dahil sa pagboluntaryong manguna sa paghawak sa tupa. Ang tamis! Sana ay maligyas siya! Magaling!”

Pinangalanan ng mga bata ang tupa na base kung saan nila ito natagpuan, Pinangalanan nila itong "Pipe-o".


Palaisipan pa rin sa kanila kung paano napunta ang tupang si Pipe-o sa loob ng tubo ng kanilang patubigan.

Anong masasabi niyo sa mga batang ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only