Monday, 14 May 2018

Mga Lalaki, Tuwang Tuwa ng Lapitan Sila ng Babaeng ito at Hingen ang Kanilang Celphone Number, Pero Agad Nag Walk-Out ng Tangalin ng Babae ang Salamin Nito

Karamihan sa mga lalaki ay mahilig tumingin sa panlabas na anyo ng mga kababaehan. Madaling mabighani ang mga lalaki sa magagandang babae at mabilis din silang mawalan ng interes lalo na kung may mali sa kanilang pisikal na aspeto lalo na sa pagpili ng kanilang karelasyon.


Isang eksperimento ang isinagawa sa isang lipunan upang mapatunayan kung gaano kaimportante ang itsura ng babae para makuha ang loob ng mga lalaki.


Ang napakagandang babaeng ito ay pumayag na mamasyal sa isang kalye upang kunin ang numero ng mga lalaking makakasalubong nito ngunit may kaakibat itong panlilinlang.


Ang aktres na ito ay kinailangang kausapin at kunin ang mga numero ng mga lalaking kanyang makakasalubong.

Bago niya makuha ang kanilang numero, ipinapakita muna ng aktres na ito ang kanyang mga mata na magkahiwalay ang tingin. Gustong ipakita ng eksperimentong ito ang mga reaksyon ng lalaki sa babaeng nakatabingi ang tingin.


Ipinakita sa eksperimentong ito kung paano akitin at kaibiganin ng babae ang mga lalaki. Sinasabi ng babae na bago lamang siya sa lugar na iyon at naghahanap siya ng mga rekomendasyon at makakasama para kumain sa isang restaurant. Ginagawa niya ito habang may suot na madilim na salamin para maitago ang kanyang mata.


Kung titingnan ang video sa eksperimentong ito, lahat ng lalaki ay nagalak at masayang nakikipag-usap sa babae. Ang ibang lalaki na nakita sa video ay ibinigay ang kanilang mga numero sa cellphone para maiplano ang kanilang lakad.


Ngunit nang lumalalim na ang kanilang usapan, bago pa niya hingin ang kanilang numero, bigla niyang tinatanggal ang kanyang salamin at pinapakita na may deperensya siya sa kanyang mga mata.


Lahat ng lalaki sa video ay nasuya sa kanya at ang iba pa nga ay napapamura sa aktres na iyon.

Nawalan sila ng interes dahil sa mga mata ng babae at naglakad sila ng mabilis palayo sa kanya. Kung tutuusin ay tuwang-tuwa pa sila noong una dahil sa magandang babae na lumapit sa kanila. Dahil sa mga mata ng babae, hindi na nila tinuloy ang plano na kilalanin siya.


Ayon sa mga pagsasaliksik, pinaniniwalaan na ang mga lalaki ay mas nagbibigay ng importansya sa biswal na aspeto na nakakaapekto sa kanilang pakikisalamuha sa mga babae lalo na sa pagpili ng kanilang karelasyon.

Bagama’t ganito ang naging reaksyon ng mga lalaki, hindi dapat nila minura o tinakbuhan ang babae bagkus ay dapat kinausap na lang ito ng masinsinan.

Nakakahiya ang mga naging reaksyon ng kalalaking ito dahil hindi sila nagpakita ng anumang respeto para sa babae.


Isinaad ni Dennis Cee na ang babae sa video ay isang aktress at wala talagang problema o mali sa kanyang mga mata. Sinadya niya lamang na magmukhang ganoon para sa eksperimento sa sosyalidad ng lipunan na halos tumutugma naman sa mga pagsusuri na nalikom ng mga mananaliksik.


Panuoring ang kabuuan ng video ng mga kalalakihan sa experimentong pang-sosyalidad na ito:


Anong masasabi niyo sa mga lalaking nasa video? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only