Thursday, 10 May 2018

Mga Magulang ng Babaeng ito, Binigyan Taning ang Nobyo na Makapaglakad sa Loob ng Anim na Buwan kung Hindi Paghihiwalayin Sila at Ipapakasal sa Ibang Lalaki

Naranasan nyo nabang mamili sa pagitan ng iyong mga magulang at minamahal? Diba ang hirap? Lalo na kapag sinabi nila na hiwalayan mo ito dahil ito ay may kapansanan.



Si Yan Nan ay isang 23 taong gulang na babaeng Chinese at siya ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon dahil sinabi ng kanyang mga magulang na dapat nyang hiwalayan ang kanyang nobyo na si Yan Hongbo kapag hindi pa din ito nakapaglakad sa loob ng tatlong taon.


Si Yan Hongbo ay naparalisado ng siya ay masangkot sa aksidente ng mga motor noong buwan ng Abril taong 2009 at mula noon ay hindi pa rin bumubuti ang kanyang kalagayan.



Lumipas na ang tatlong taon at hindi pa din nakakapaglakad si Yan Hongbo kaya naman nakiusap si Yan Nan sa kanyang mga magulang kung pwede pa silang bigyan ng kunting panahon. Sumangayon naman ang kanyang mga magulang at binigyan sila ng dagdag na anim na buwan bago nya ito tuluyang hiwalayan.

Sa isang interview ay sinabi ni Yan Nan ang kalagayan nilang magkasintahan.

Ayon kay Yan Nan na:

'Hindi ko alam ang aking gagawin, alam kung gagaling siya pero sa ngayon wala kaming sapat na pera para sa kanyang pangangailangang pang medikal. Wala di kaming sapat na salapi para sa aming pangaraw-araw. Kailangan namin ng isang himala'

“I do not know what to do, I know he can be cured but now we have no money for medical treatment. We do not even have enough money for our daily needs. We need a miracle”

Bukod sa perang pambili ng gamot ni Yang Hongbo ay kailangan din nila ng pera panggastos para sa kanilang pangangailangan.


Kahit na mahal na mahal ni Yan Hongbo si Yan Nan ay pumayag pa din ito sa gusto ng mga magulang ng kanyang nobya. Ayon sa kanya, kailangan syang iwan ni Yan Nan kapag hindi pa din ito nakapaglakad sa loob ng anim na buwan.



Ayon sa mga magulang para magkaroon ito ng maayos na kinabukasan dapat pumili ito ng lalaking kaya syang buhayin at hindi yung siya ang bubuhay para dito.

Bago palang naging magkasintahan ang dalawa ay nagsimula muna sila bilang magkaibigan hanggang sa nahulog ang puso nila sa isat isa bago pa ito maaksidente at hindi nagtagal ay nagdesisyong silang magsama at tumira sa bayan ng Qionglai, Sichuan, China.

Naaksidente si Hongbo habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, ayon sakanya na umuulan nuong panahon na iyon na naging dahilan ng madulas at maputik na kalsada. Dahil dito nahulog sa bangin ang kanyang minamaneho na motorsiklo pero pinalad parin sya at nakaligtas sya.

Nang makalabas si Hongbo sa ospital pagkatapos itong maaksidente dito na laging nagaaway ang kanyang mga magulang, ito din ang dahilan kung bakit aksidenteng napaslang ng kanyang ama ang kanyang ina.



Kahit na ito ay aksidente, sinintensyahan at nakulong padin ang kanyang ama ng sampung taon dahilan para siya lang magisa ang magaalaga sa kanyang sarili.

Dahil sa nangyari, nagdesisyon si Yan Nan na umalis sa trabaho para samahan at alagaan si Hongbo. Kahit na tutol sila sa desisyon ni Yan Nan ay pinayagan pa din nila itong tumira kasama si Hongbo sa iisang bahay ngunit sa loob lamang ng tatlong taon.


Isa ang istorya ng magkasintahang ito na nagpapatunay na ang totoong pagibig ay yung kaya mong ipagtanggol ang iyong mahal sa kahit sinong tao na humahamak dito kahit pa ito ay iyong mga magulang at gagawin lahat ng paraan para lang makasama ito may kapanasanan man o wala hangang sa pagtanda.

Ipagdasal natin na sana gumaling na si Hongbo para maging happy ending na ang kanilang love story.

Ibahagi ang kuwentong ito para maging inspirasyon sa marami.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only