Sunday, 6 May 2018

Mga Patrolmen, Natagpuan ang Dalawang Sasakyan na ito na Nakalubog sa Tubig, Nang I-Ahon nila ito at Imbestigahan Dito na Nila Nalutas ang 40 na Taon Misteryo

Ang isa sanang mahirap at nakakapagod na pagsasanay ng mga pulis sa lawa ng Oklahoma ay nauwi sa hindi inaasahang pagkakalutas ng napakatagal ng kaso.


Setyembre ng taong 2013, ang mga patrol ng lawa ng Oklahoma ay nagkaroon ng pagsasanay sa lawa ng Foss sa bansang Custer, ginamit nila ang bago nilang aparato na sonar ng sila ay biglang nakasagap ng kakaibang tunog o alingawngaw mula sa ilalim ng lawa. Ang nasabing alingawngaw ay dahil pala sa dalawang sasakyan na nakalubog sa ilalim ng lawa.


Inisip ng mga patrol na baka ang kanilang nasagap sa ilalim ng lawa ay mga nakaw na sasakyan. Ngunit laking gulat nila ng malaman nila ang totoong istorya matapos iahon at imbestigahan ang dalawang sasakyan.


Ito pala ay dalawang sasakyan na magkadikit na nalubog sa ilalim ng lawa na may labing dalawang talampakan ang lalim.

Ayon sa isang patrol na si Trooper George, ang unang sasakyan na kanilang naiahon mula sa tubig ay isang Camaro at ang pangalawa naman ay isang 53 Chevy. Bukod pa dito, mayroon din mga buto ng mga tao ang natagpuan sa loob ng una at pangalawang sasakyan. Ayon sa mga patrol, bawat sasakyan ay mayroong natagpuang mga buto na para sa tatlong tao.


Bukod pa dito ay may mga kalansay na natagpuan sa dalawang sasakyan. Ang bawat sasakyan ay may laman na mga buto ng tatlong tao.


Naging misteryo sa karamihan kung ano ang ngyari sa dalawang sasakyan at sa mga taong sakay nito. Ayon sa mga nagimbistiga na naniniwala sila na baka ang mga buto ng tao sa loob ng sasakyan ay mula sa mga taong nawawala noong 1969 hanggang 1970.


Ayon pa sa kanila ang pangalawang sasakyan na Chevy ay pagmamay-ari ng isang anim na put siyam na taong gulang na si John Alva Porter.

Si John ay naglalakbay kasama ang apat na put dalawang taong gulang na si Cleburn Hammack at Limang put walong taong gulang na si Nora Marie Duncan ng sila ay biglang nawala noong ika walo ng Abril taong Isang libo siyam na daan anim na put siyam. Isang ulat din noong Hulyo ng 1969 ang nagsasabi na huling nakita ang tatlo na tinutulak ang sasakyan para ito ay umandar.


Samantalang ang unang sasakyan naman ay pagmamay-ari ng labing-anim na taong gulang na si Jimmy Allen Williams. Kasama ni Jimmy ang kanyang mga kaibigan na si Thomas Michael Rios labing-walong taong gulang at Leah Gail Johnson walong taong gulang din.


Si Jimmy at ang kanyang mga kaibigan ay papunta sana sa isang kumpetisyon ng football noong Nobyember 20, 1970 ng sila ay biglang mawala. Napag-alaman din na tatlong araw palang ang nakalipas ng bilhin ni Jimmy ang sasakyan bago sila ay tuluyang mawala.


Ayon sa kaibigan ni Jimmy na si Kim Carmichael, “I just remember how devastated everybody was. We lived in a little town… Nothing like that ever happened in Sayre”.


Oktobre 2014, isang taon matapos matagpuan ang mga sasakyan, napatunayan sa isang pagsusuri gamit ang DNA na ang anim na buto ng tao ay pagmamay-ari nila John, Cleburn, Nora, Jimmy, Thomas at Leah.


Nakatulong ang pagkakadiskubre sa kanilang mga buto sa pagsarado at pagsagot sa matagal na nilang kaso. Ayon sa apo ni John Porter na si Debbi Mcmanaman, “It’s been a crazy year, it’s been a blessed year. It’s been a relief, It’s been closure.”

Masaya na din ang pamilya ni Jimmy Williams ng matagpuan ang kanyang buto, ayon ito sa kanyang kapatid na si Gary Williams.


Isa pa ding pala isipan kung paano o bakit napunta sa ilalim ng lawa ang mga sasakyan nila John at Jimmy kahit napatunayan na ng opisina ng Oklahoma Medical na silang lahat ay namatay sa pagkakalunod.

source: goodtimes





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only