Wednesday, 16 May 2018

Nag iba ng Ruta ang Grupong ito Para Makaiwas sa Bagyo, Pero Hindi Nila Inaasahan na Madidiskubre at Makukunan nila ng Litrato ang Hindi Kilalang Tribung ito

Isang malakas na bagyo ang dahilan kung bakit nakuhaan ng photographer na si Ricardo Stuckert mula Brasil ang mga larawan ng isang grupo ng mga tribo sa tagong parte ng kagubatan sa Amazon.


Iniwasan nila ang matinding bagyo na pasalubong sa kanilang daraanan kaya nag-iba ang kanilang ruta. Ang mga nahagilap nilang larawan ay nakuha sa pamamagitan ng isang mataas na resolusyon mula sa camera ni Ricardo.


Nakuha nila ito sa Acre na bahagi pa ng parte ng brasil na kung saan ay malapit-lapit na sa Peru.


Kilala ang lugar na Acre dahil sa polisiya ng estado ng bansa. Maraming mga sinaunang tribo ang nakatira sa lugar na ito at kilala rin ang lugar dahil sa angking wildlife at kagubatan nito.


Ang mga larawan na nakuha ni Ricardo ay isang grupo ng hindi kilalang tribo na nakasuot ng maninipis na damit at pintura sa katawan.


Mapapansin din sa larawan ng isang lalaki mula sa kanilang grupo na nagtapon ng sibat sa sinasakyang helicopter nina Ricardo noong naghangad itong lapitan ang grupo.


Sinabi ng mga eksperto na ang tribo na kanilang nakasalubong at nakuhaan ng larawan ay parehas sa tribo na nakilala sa buong mundo noong 2008. Ang mga larawan nilang nakasuot ng pulang pintura sa katawan ay kapareho ng mga ito na sinubukan ding panain ang lumilipad nilang eroplano.


Ayon sa pakikipanayam sa National Geographic, sinabi ni Ricardo na: “Pakiramdam ko na para akong isang pintor noong sinaunang panahon. Kung tutuusin, sa panahon ngayon, hindi ko inakala na mayroon pa ring mga tao na hindi pa nalalapitan at naaambagan ng makabagong sibilisasyon. Dalawampung libong taon na ang nakakalipas, namumuhay pa rin sila tulad ng ginagawa ng kanilang mga ninuno. Pakiramdam ko na isa tong napakalakas na emosyon.”



Ang mga tribo na ito ay palipat-lipat ng kanilang lugar na pinamamalagian bawat apat na taon sa gitna ng kagubatan ng Acre.

Gawain ng mga tribong iyon na mambato ng sibat at mamana sa mga hindi imbitadong bisita.


Ang mensahe ng mga pana at sibat ng mga tribong iyon ay nangangahulugang: “Umalis na kayo. Huwag niyo kaming distorbohin.”

“They’re messages. Those arrows mean ‘Leave us in peace. Do not disturb”


“Once their territory is encroached by loggers or prospectors, the isolated groups are finished. They could disappear from the face of the Earth, and we wouldn’t even know it”

Kapag ang teritoryo nila ay nalikom ng mga mangangahoy o kaya naman ay taga-suri ng mga lupain, maaaring mapaalis ang mga grupong ito. Maaaring mawalan sila ng lugar upang matirahan at hindi nila kakayaning makasabay sa makabagong panahon na ito.


Since they have not made any contact with the modern civilization, their tribe’s name is still unknown.


Dahil nais lang nilang isaklob ang kanilang sarili papalayo sa sibilisasyon, hanggang ngayon, hindi pa rin kilala ang pangalang ng kanilang grupo. Tinatawag sila na “Isolated Indians of the upper Humaitá” ayon sa mga opisyal ng Brasil.



Anong masasabi niyo sa mga larawang nakuha ni Ricardo? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only