Wednesday, 30 May 2018

Nagtaka ang Amo sa Ikinikilos ng Kanyang Aso Pagkauwi nito ng Bahay, Pero ng Sundan niya ito sa Banyo Nabigla at Napaisip ang Amo sa Kanyang Natagpuan

Ikinabahala ng may-ari ng aso ang kakaibang ikinikilos nito. Nagulat na lamang siya nang masilip niya ang loob ng kanilang banyo.



Hindi natin maitatangi na ang mga alaga nating aso ay malalambing, kaya naman karamihan sa mga ito ay sabik makita ang kanilang amo at karamihan din dito ay agad tumatakbo papalapit sa amo kapag alam nilang nakauwi na ito at papasok na sa loob ng bahay.

Kalimitan din naman sa mga asong ito ay sinusurpresa ang kanilang mga amo sa pamamagitan ng pagkakalat ng loob ng bahay na minsan ikinaiinis na ng kanilang mga amo.

Ngunit isang lalaki ang nabigla sa kanyang nadatnan ng sya ay makauwi ng kanyang bahay matapos niya iwan ang kanyang aso na nagiisa.

Kamakailan lamang, nawalan ng dalawang kaibigan ang asong si Crosby. Ibinahagi ng kanyang may-ari na noong nakaraang anim na buwan, pumanaw ang kanyang kaibigang pusa at isang buwan naman matapos ng insidenteng iyon ay nawala sa kanya ang kanyang matalik na kaibigang aso na matagal niya ng kasa-kasama simula noong walong linggong taong gulang pa lamang sila.


Inamin ng kanyang amo na napansin niyang naging malungkot ang kanyang aso matapos mawala ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit isang araw, nang makauwi ang amo ni Crosby sa kanilang tirahan, napansin niyang na nag-iba ang kilos ng kanyang aso na para bang may gusto itong ipakita sa kanya.



Sinundan niya ang kanyang aso sa loob ng kanilang bahay at dumiretso ito sa kanilang banyo. Nagulat ang amo ni Crosby nang mapansin niya ang isang kuting sa loob ng pinapaliguan nila.





Hindi makapaniwala ang kanyang amo sa nakitang kuting sa loob ng kanilang pamamahay. Nagtaka rin siya kung bakit hindi man lang ito itinaboy ng kanyang aso kahit estranghero pa ang kuting na ito.

Sabi ng amo na:

“I’ve never seen this kitten before, and although I do have a doggy door, it’s way too high off the ground for this little baby to have snuck in. It seems to me that Crosby must have brought her inside. She has an uncanny resemblance to the kitty friend he lost 6 months ago,” said Crosby’s owner.


Ginawa ng may-ari ang dapat niyang gawin para sa pusang iyon.

[I took the kitty to the vet to see if she was microchipped, and she isn’t. She was however spayed just a few days ago, and is thought to be about four months old.]






Nang lumapit siya sa tanggapan ng mga nawawalang hayop, sinabihan siya na puno na ang kanilang pasilidad at maaaring paslangin ang kuting na iyon kapag walang nag ampon dito ng matagal.

Naisip na lamang ng lalaki na dalhin ito pauwi sa kanila bahay. Simula noon nawala ng parang bula ang kalungkutan ni Crosby dahil sa bagong alagang hayop na inampon ng kanyang amo.



Mula ng dumating ang kuting sa bahay naging masigla na ulit si Crosby simula umaga hanggang gabi.



Nagkaroon na ng lugar ang kuting na iyon sa puso ng amo ni Crosby at dahil dito nagkaroon na ito ng masasabing tahanan at pamilya.




Anong masasabi niyo sa natagpuan nilang kuting? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtime



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only