Saturday, 12 May 2018

Naiwala ng Lalaking ito ang Kanyang Wedding Ring Habang Naliligo sa Dagat, Pero Makalipas ang Isang Taon Isang Hindi Inaasahang Text Message ang Gumulat Sakanya

Habang namamasyal kasama ng kanyang pamilya sa baybayin ng New Jersey noong 2016, hindi sinasadya ni Mikey Walsh na mawala ang kanyang wedding ring. Hindi niya inaasahan na mawawala niya ito sa isang lugar kung saan mahirap ito makita.


Noong nakaraang Agosto, habang namamasyal sa baybayin ng New Jersey, nawala niya ang kanyang singsing na nakasuot sa kanyang daliri nang maligo siya sa dagat.


Napansin ni Mikey ang mga pangyayari at nasabi na lamang na: “Naglalaro ako sa mga alon noong oras na iyon ng mapansin kong wala na sa daliri ko ang singsing. Madalas ko tinatangal ang sising bawat naliligo ako sa dagat pero sa di malaman dahilan hindi ko ito tinangal noong mga panahong iyon."

["I was playing in the waves and I noticed it was off my hand,” Walsh explained, I always take it off when I go into the ocean, for whatever reason I didn’t do it that time.]

Sinubukang hanapin ni Mikey ang singsing ngunit hindi niya ito nakita. Nasabi niya na lamang na wala ng rason para hanapin pa ang singsing na iyon.

[I pretty much thought it was a lost cause.]


Walang nagawa si Mikey kung hindi ang makaramdam ng pagkainis dahil sa mga pangyayari matapos makauwi mula sa bakasyon.

Nang makalipas ang ilang buwan, inisip ni Mikey na hindi niya na ulit ito makikita pang muli. Ngunit noong Agosto ng 2017, isang 11-taong gulang na bata na nag ngangalang Daniel Barr ang nakakita ng isang bagay sa dalampasigan ng New Jersey. Napansin niya na mayroong makinang na bagay sa gitna ng mga buhangin habang naglalaro sa dagat kasama ng kanyang ina.


Nang lapitan niya ang bagay na ito. Napansin niya na isa itong singsing. Inisip niya na maaari niya itong itago ngunit nangibabaw ang kanyang pagiging mabuting bata at hinanap ang tunay na nagmamay-ari ng singsing.


Naalala ni Daniel ang mga payo sa kanya ng kanyang ama na at ipinaliwanag nito sa CBS Philly na: “Kung kaya mong i-tama ang isang bagay o tulungan ang taong nangangailangan, nararapat lamang na sundin mo ang tama. Mas piliin mo maging tama kahit na mahirap. Nararapat lamang na parati mong gawin ang tama."

[If you can correct a wrong or help someone in any way, [then] that’s what you should always do. Be the person who does right. No matter how hard it may be. Always do the right thing.]

Ang unang ginawa ni Daniel ay ang paglilibot sa dalampasigan. Tinanong niya ang bawat isang tao na nagmamay-ari ng singsing. Walang nagtangka na tumanggap o akuin ang singsing na ito na ikinadismaya naman ni Daniel.

Ipinakita niya na lamang ito sa kanyang ina na si Kristen Barr upang tulungan siyang hanapin ang nagmamay-ari nito.

Dinala ng ina ni Daniel ang singsing sa isang alahero at inalam ang bawat detalye na posibleng makakapagturo sa totoong may-ari nito. Ibinahagi ng ina ni Daniel ang detalye ng singsing sa Facebook. Ipinaubaya na lamang nila ang singsing dito habang nagbabakasakali na may makapansin dito.

Isinaad niya sa kanyang Facebook na: “Nakita ng anak ko ang isang singsing ngayong 8/16/17 sa may dalampasigan ng 7th at 8th street sa OCNJ. Walang nakapaloob sa inskripsyon sa loob at labas ng naturang singsing. Kung maaari ay ipag-alam sa nauukulan kung sino ang nakakakilala dito. Bawat pagbahagi nito ay makakatulong. Maraming salamat!”

[My son found this men’s wedding band today 8/17/17. Between 7th & 8th street beach in OCNJ. No inscription inside or outside. Please help us find the owner. Every share helps. Thank you!]

Makalipas ng ilang araw, nakatanggap ng isang mensahe si Mikey sa kanyang kaibigan at sinabing mayroong nakakita sa kanyang nawawalang singsing.


Inisip niya na maaaring imposible itong mangyari ngunit nakita rin ng kanyang asawa ang hinaing na ito sa Facebook. Nagmadaling kinausap ng asawa ni Mikey ang ina ni Daniel na nagbabagi ng mensahe na iyon sa Facebook.

Isinaad pa ng Ina ni Daniel sa CBS Philly na: “Ipinadala ng asawa ni Mikey ang mga larawan ng singsing pati na rin ang ibang detalye na magpapatunay na sila ang tunay na nagmamay-ari dito.”

Inamin ni Mikey na: “Halos isang taon na ang nakalilipas simula ng mawala ang singsing na ito. Buti na lamang ay nakita ito bago pa man maganap ang ika-siyam na anibersaryo ng aming kasal.”

[It was almost exactly a year after Walsh lost it, and a few days before his 9th wedding anniversary.]
Ibinahagi rin ni Mikey na nagagalak siya sa dahil mayroon pang mga tao tulad ng pamilya ni Daniel na gagawin ang lahat para lamang masunod ang tama.

Ayon sa ina ni Daniel, inilahad din nito na: “Nalulugod ako sa pagiging matulungin ng aking anak na gagawin ang lahat para lamang gawin ang tama.”

[I’m extremely proud of my son for going above and beyond to find the owner.]


Ano ang masasabi niyo sa pamilyang Barr na nakakita ng singsing na iyon? Ibahagi ang inyong mga reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only