Thursday, 24 May 2018

Narito ang 25 na Prutas na Pambihra lang Makita sa Buong Mundo at Siguradong Hindi kayo Pamilyar

Halos libo-libo ang uri ng mga prutas sa ating mundo. Kung tutuusin, karamihan sa mga ito ay naghihintay na madiskubre o at hindi pa nasusuri ngbhusto.



Tingnan ang 25 klase ng kakaibang mga prutas na ito na talaga namang katakam-takam at napakasarap.


1. Ito ang Palmyra fruit na kadalasang matatagpuan sa mga bansang nasa Timog-Silangang bahagi ng Asya.



2. Ito naman ang West Virginia Banana na kilala rin sa tawag na “Pawpaw American Custard Apple” o “Indiana Banana.” Sinasabing ang lasa ng prutas na ito ay pinaghalong manga at saging.



3. Ang Feijoa naman ay isa sa mga prutas na nagtataglay ng mataas na Vitamin C. Kilala rin ito sa tawag na “Guavasteen.”



4. Ang Saskatoon berries naman ay isang sikat na prutas sa bansang Canada. Maaari itong gawing inumin ang katas nito at pwedeng kainin kahit hindi pa ito luto.



5. Kilala naman sa Europe, sa Caucasus, at sa Hilagang parte ng Africa ang prutas na green gooseberries. Mabisa raw itong lunas sa mga pamamaga, ulcer at problema sa tiyan.



6. Ang Pequi fruit naman ay sikat na sikat sa mga naninirahan sa Brazil. Sinasabing kakaiba ang lasa nito dahil para itong keso na may halong sitrus.




7. Kilala ang Salak fruit sa lasa nitong manamis-namis at nakakaginhawa sa lalamunan. Tinatawag din itong snake fruit dahil sa makaliskis nitong balat.



8. Likas na matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng South America ang prutas na Naranjilla. Sinasabing isa itong maselan na pananim dahil nangangailangan ito ng matinding pag-iingat mula sa malalakas na hangin at sikat ng araw. Sinasabing napaka-asim ang prutas na ito at kadalasan ay ginagawang inumin na tinatawag na “Lulada.”



9. Isa ang Totara sa mga produkto ng mga prutas na nagmula sa New Zealand. Kilala ang prutas na ito sa kanyang napakatamis na lasa.



10. Ang prutas na Tamarind ay napakadaling makita sa mga tropikong bansa sa Timog-silangang bahagi ng Asya.



11. Sinasabing ang wood apple daw ay napakamabisang prutas na panlaban sa konstipasyon at impatso. Isa rin ito sa nga prutas na makapagpapalakas ng pangkalusugan at mainam rin na panlaban sa impeksyon.



12. Tinatawag naman ang prutas na ito na “Purple-coloured peach”



13. Napakabihara lamang ito matagpuan dahil sinasabing isa lamang sa milyong mansanas ang maaaring maging ganito ang itsura.



14. Ang pulang saging na ito ay nagiging kulay pink o kaya naman ay cream kung ito ay hinog na.




15. Tinawag itong “Pink Pearl Apple.” Ang laman ng mansanas na ito ay kulay ube.



16. Mas kilala ito sa tawag na passion fruit o kaya naman ay Sweet Granadilla na may mataas na lamang vitamin C.



17. Isa rin itong uri ng Palmyra Fruit.



18. Kilala naman ang Lanzones dahil sa lasa nitong tulad ng sa mga ubas.



19. Tinatawag naman ang prutas na ito na “Marang fruit.”



20. Ito ay bihang uri ng strawberries at ang presyo nito ay maaaring umabot hanggang 10 dolyar kada isang piraso. Ang white strawberries na ito ay may lasa ng tulad sa pinya.



21. Kilala ang parisukat na hugis ng pakwan sa bansang Japan at talaga nga namang napakamahal ng prutas na ito.



22. Kakaiba at napakabihira ang uri ng dragon fruit na ito dahil sa dilaw nitong kulay.




23. Ang prutas na ito ay isa sa mga produkto na nagmula sa bansang Japan at South Korea na tanyag sa tawag na “Chocolate Vine Fruit.”



24. Ang prutas na “Hairy Red Pittosporum” ay may kakaiba at nakakatakot na itsura.



25. Isa rin ang Lakoochas sa mga prutas na may nakakatakot itsura ngunit napakasarap naman sa panlasa.



Anong masasabi niyo sa mga bibihirang prutas na ito? Nais mo rin bang makatikim nito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only