Monday, 28 May 2018

Nawasak ang Puso ng Isang Ina Matapos Malaman na ang Sanggol sa Kanyang Sinapupunan ay Walang Utak, Pero Nagdesisyon parin na Ipagpatuloy ang Kanyang Pagbubuntis Dahil sa Isang Kahanga hangang Dahilan

Hindi masukat ang tuwa ng magasawang Keri at Royce Young nang malaman na sila ay magkakaroon ng pangalawang anak.



Ngunit lahat ng tuwa at kagalakan ay napalitan ng lungkot at luha ng ibunyag ng doktor ang kalagayan ng batang nasa sinapupunan ni Keri.




Ang ipinagbubuntis ni Keri ay pinangalanan nilang Eva Grace, ngunit ayon sa mga doktor si Eva ay mayroong anecephaly, isang hindi pangkaraniwang kondisyon kung saan isang parte ng utak at bungo ng sangol ay hindi nabuo sa sinapupunan ng kanyang ina.



At sa kasamaang palad, napatunayan na ang kondisyong ito ay mauuwi sa pagkasawi ng sanggol matapos itong maisilang. Ito ay nakakaapekto lamang sa isa sa 100,000 na naisilang na mga sanggol ayon sa mga doktor.



“She has perfect feet and perfect hands. She has perfect kidneys, perfect lungs, and a perfect liver. Sadly, she doesn’t have a perfect brain”

Sulat ng inang nagmula sa Oklahoma sa kanyang makapagdamdaming Instagram post.

"We found out recently she has anencephaly and is incurable.” dagdag ni keri.



Ang magasawa ay binigyan ng opsyon ng mga doktor at pinapili kung ititigil naba ang pagbubuntis o ipagpapatuloy parin ito ng magasawa.


Pero sa kabila ng pighati at pagluluksa na nararamdaman ng magasawa, pinili ni Keri na ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis kahit alam niyang mahihirapan lang siya para sa wala.

Ipinagpatuloy ni Keri ang pagbubuntis dahil sa isang kahanga hangang rason at ito ay ang pangalawang opsyon na ibinigay sakanila ng doktor, ang opsyon na edonate ang ibang organo ng kanyang sanggol sa ibang sanggol na nangangailangan.

Nagdesisyon ang magasawa na pagpatuloy ang pagbubuntis ni Keri at edonate ang mga organo ng kanyang sanggol sa mga nangangailangan upang hindi narin mapunta sa wala ang buhay ng kanyang sanggol at ang kanyang paghihirap.

Ang buhay ni Eva ay maaring ang milagrong inaantay ng mga taong gustong mabuhay ang kanilang sanggol kagaya ni Keri at ng kanyang asawa.



“This was not an easy decision,". “For the next 20 weeks I will feel her kick, [I’ll] have the hiccups, and we’ll be able to hear her perfect heart beating all while knowing we’ll only get a few short hours with her when she’s born.” Pahayag ni Keri.

Napagdaanan ni Keri ang lahat ng uri ng sakit ng pagbubuntis at pagsilang sa sanggol ngunit ang masakit lang ay sa dulong ng lahat ng kanyang paghihirap walang saya o tuwa itong kapalit kundi puro lang din pighati, luha at sakit.

Sinulat ni Royce sa kanyang Facebook post na ang kanyang asawa ay isang “superhero” sa paggawa ng mabigat na desisyong iyon.

Dagdag pa nito na ang pinamalas na determinasyon ng kanyang asawa ay nakapagbigay sa kanya ng lakas ng loob para maging matatag sa kabila ng kanilang hirap na nararanasan.


“In literally the worst moment of her life, finding out her baby was going to die, it took her less than a minute to think of someone else and how her selflessness could help,”



“It’s one of the most powerful things I’ve ever experienced.”

Sa isang Facebook post ni Royce, inalala niya ang mga sandaling nasa loob sila ng kwarto kasama ang doktor habang magkasabay silang umiiyak ng kaniyang asawa habang nakatingin sa kanilang sanggol.



Si Royce at Keri ay mayroon ding anak na 2 taong-gulang na anak na lalaki na nagngangalang Harrison. Sa araw na ipanganak si Eva, ang buong pamilya ni Royce at Keri ay pumunta sa ospital upang mag hello at magpaalam.


“We said hello and goodbye to our sweet Eva,” Keri posted on Facebook. “She was so perfect in her own little way.”



Batid ng magasawa na mayroong ibang magulang na nananalangin sa isang milagro at ang kanilang anak ay maaring maging ang milagrong iyon.



Anong masasabi nyo sa artikulong ito? Magcomment at ishare!

source: artistanow




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only