Monday, 21 May 2018

Nawawalang Aso, Natagpuan sa Ilalim ng Lupa Matapos ito Marinig ng Mismong May-ari na Tumatahol sa Kanyang Kinatatayuan Habang ito ay Kanyang Hinahanap

Marami ng mga kwento ang nagkalat at naibalita sa social media tungkol sa mga hayop na nawawala at bigla nalang natatagpuan sa mga lugar kung saan mapapaisip ka nalang kung paano nga ba sila napunta doon.



Katulad na lamang sa isang pangyayari kung saan bigla nalang nawala ang isang Jack Russell Terrier na aso matapos ito mawala sa paningin ng amo habang sila ay naglalakad lakad,

Inabot ng halos 4 na araw ang paghahanap sa aso at laking gulat nalang nila ng matagpuan nila ito sa hindi inaasahang lugar.


Si Gina Kaiser, na nagmula sa Boveney Lock sa Dorney, Buckinghamshire, ang nagmamay-ari sa asong si Lulu. Nalugmok si Gina dahil sa biglang pagkawala ng pinakamamahal niyang aso.

Ilang araw niyang hinanap ang nawawalang aso ngunit hindi niya ito makita. Walang tigil ang pagtawag niya dito umaasang maririnig siya nito at lalapit nalang bigla sakanya. Pero makalipas na ang ilang araw hindi niya parin mahanap ang kanyang aso.



Hindi nawalan ng pag-asa si Gina sa paghahanap kay Lulu hanggang sa makarinig siya ng isang tahol na nangagaling sa ilalim ng kanyang inaapakan na talagang kanyang ikinabahala.

Laking gulat nalang ni Gina ng makompirma niya at malaman niya na si Lulu pala ang tumatahol na iyon.


Nagmadali si Gina na magtawag ng tulong para mailigtas ang kanyang kawawang aso, pumunta siya sa mga bumbero upang huminge ng tulong at agad naman rumesponde ang mga bombero.

Halos 5 katao ang kinailangan para mailigtas si Lulu sa pagkakakulong. Kinailangan nila ng mga panghukay at mga pangbutas ng tubo para makarating sa pinakailalim na parte ng lupa. Tinatayang 8 dipa ang lalim nito na halos imposibleng mapuntahan ng aso.



Nangailangan ng heavy equipment ang mga rescuers upang hukayin at maabot ang kinaroroonan ng aso.



Naghukay ng naghukay ang mga rescuers hangang maabot nila ang tubo kung saan nakakulong ang kawawang aso.



Nang makita na nila ang tubo, agad nila itong binutasan kung saan kasya ang katawan ng tao upang mas madali pasokin ang tubo at makuha ang aso.



Kinailangan pang ipagsiksikan ng mga bumbero ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang mga kagamitan sa napakakitid na butas na iyon upang mailigtas lamang ang aso.



Inabot ng anim na oras ang operasyon bago nila nakuha si Lulu sa pagkakakulong sa tubo.



Labis ang tuwa ni Gina nang maiabot sa kanya ng isa sa mga bumbero ang kanyang aso na si Lulu. Hindi lubos maisip ni Gina at mga Bombero kung paano nga ba napunta ang aso sa ilalim ng daan. Nagpapasalamat siya dahil walang nangyaring masama kay Lulu kahit na halos nasa limang araw din itong nawala.




Isinaad ni Gina sa interview sa kanya na: “Napakahusay ng serbisyo na ginawa ng mga bumbero. Ipinapakita lang nila na mayroon pa ring mga tao na mabubuti ang puso.”

[The fire service have been brilliant, it shows there are some really good people about.]



Tuwang-tuwa naman ang mga nagligtas kay Lulu dahil sa hindi pagsuko ni Gina sa paghahanap sa aso. Buti na lamang ay hindi ito umabot sa masalimuot na pagtatapos.

Isinaad din ng rescue team na naiintindihan nila ang ginawa ng may-ari ng aso. Sa mga nangyaring ito, halos ginawa ni Gina ang lahat ng kanyang makakaya para lamang maligtas ang pinakamamahal niyang aso.



Sinarado na rin ng mga bumbero ang mga entrada ng tubong iyon para hindi na maulit muli ang ganoong klaseng trahedya.

Anong masasabi niyo sa ginawang tulong ng mga bumbero para sa asong si Lulu? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.


source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only