Monday, 14 May 2018

Obra Maestra ng Isang Pintor Hinangaan Dahil sa Makatotohanan at Detalyado nitong Gawa na Tila Kuha ng Isang Mamahaling Kamera

Sa panahon ngayon mas madali ng mapansin ang isang super natural na talento ng isang tao dahil sa social media, isang upload lang ng litrato at siguradong sikat kana sa buong mundo.


Ang pagpinta ay hindi basta bastang talento na napapag aralan lang at prinapraktis dahil ang pag pinta ay isang uri ng talento, dedikasyon, pagkahilig, pagmamahal at tiwala sa kung ano ang kaya mong gawin.



Isang sa mga naging maingay na pintor sa social media ay contemporary artist na nagngangalang Leng Jun na nakatira sa China, na hinangaan ang kanyang gawa sa social media dahil sa kanyang kakaibang talento at galing sa pag pinta.


Si Leng Jun ay pinanganak sa Sichuan China noong 1963, nagtapos siya ng kanyang kolehiyo sa kursong fine arts sa Hankou Branch of Wuhan Normal Collage noong 1984 at kasalukuyang naninirahan sa Beijing.



Si Leng Jun ay sikat sa kanilang lugar dahil sa kanyang mga makatotohanang obra.


Isa sa naging matunog sa social media ay ang kanyang pinintang litrato ng isang babae na tila kuha ng isang mamahaling kamera dahil sa sobrang linaw at makatotohanan.




Bawat angulo ng kanyang obra ay pawang detalyado magmula sa buhok, balat, mata, labi, suot nitong dami at ulti mo hibla ng damit ay kuhang kuha.



Ayon sa ilan sa mga netizens na nakakita sa obra ni Leng Jun, na akala nila noong una ay litrato ito ng isang babae na kuha sa isang camera pero ng makita nila ang iba pa nitong litrato na nakalagay sa isang picture frame doon na nila napagtanto na ito pala ay isang painting na gawa ng isang super talented na pintor.


Madami ang humanga at na love at first sight sa gawa ni ling at agad itong kumalat sa social media. Sa ngayon mas dumarami pa ang mga taga hanga ni Leng at inaabang nila ang mga susunod na obra ni Leng.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only