Friday, 11 May 2018

Pinoy OFW sa Taiwan hindi Mapigilan ang Luha Matapos Ibalik ang Kanyang Pera na Nagkakahalaga ng 40k Dolyar na Aksidente nyang Nawala Habang Papauwi Galing Trabaho

Hindi sukat akalain ng lalaking ito na magkakaroon siya ng isang napakamaling kapabayaan sa buhay niya. Ang lalaking ito ay nakaranas ng matinding panghihinayang matapos niyang mawala ang kabuuang ipon niya sa pagtatrabaho mula sa malayong lugar. 


Buti na lamang ay naibalik kaagad ang perang nawala sa kanya matapos itong isauli ng mga mabubuting tao na nakapulot ng kanyang pera.

Iniwan niya ang kanyang siyudad at nagtungong Taiwan para makapag-ipon ng pera para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Hindi pa rin mawari ng lalaking ito na mawawala ng basta-basta na lamang ang kanyang pinag-ipunang pera. Nagdulot ito ng matinding pagkabigo sa damdamin ng lalaki at pagkabalisa.


Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa Taipei Three Gorges Police Corps na isang lalaki ang nag-apila ng kanyang hinaing upang makahingi ng tulong. Sinaad niya na aksidenteng nahulog ang kanyang pitaka sa inarkila niyang sasakyan noong gabing iyon papunta sa kanyang bahay.

Bukod sa mga naipong dolyar na halos humigit kumulang na 40,000 Taiwaneses Dollar, nawala rin niya ang perang gastusin niya sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang masakit pa rito, ibibigay niya na raw sana ang perang naipon niya sa kanyang asawa noong mga panahon na iyon. 


Buti na lamang ay mabilisang nalaman ng mga pulis ang mismong sasakyan na inarkila ng lalaki noong gabing iyon. Mapalad naman na nakita ng drayber ng sinakyan ng lalaki ang pitaka na nawala bago pa man ito mahanap ng mga pulis. Kusang loob na ipinaubaya ng drayber ang nawalang pitaka sa mga pulis upang ibalik ito sa totoong nagmamay-ari ng pitaka.

Nang makuha ng mga pulis ang naturang pitaka, sinubukan nilang tawagan ang lalaking nagmamay-ari nito. Ngunit, hindi nito sinasagot ang mga tawag kaya sinubukan nilang hanapin ito sa pinagtatrabahuan ng lalaki.



Natukoy ng mga pulis ang lalaki at inimpormahan agad siya sa nawalang pitaka at ibinalik pati na rin ang laman nito. Hindi mapigil ng lalaki ang kanyang mga luha dahil sa galak sa pagsasauli ng perang kanyang pinaghirapan.


Sa sobrang tuwa ng lalaki, hindi niya naiwasan na yapusin ang mga ito dahil sa sobra-sobrang pasasalamat sa tulong na ibinigay nila sa kanya.


Maraming salamat sa kabaitang ipinakita ng drayber ng sasakyan at sa mga pulis na tumulong sa pagbalik ng pera ng lalaking iyon. Ano ang masasabi niyo sa mga tumulong sa lalaki? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only