Monday, 4 June 2018

Alagang Pagong na Nawala ng 30 Taon, Nakita ng Pamilyang ito sa Kanilang Stockroom na Buhay at Nasa Magandang Kondisyon Kahit Walang Pagkain at Tubig

Ayon sa kultura ng Chinese na ang mga pagong ay sumisimbolo ng kahabaan ng buhay at katatagan. At ito ay napatunayan ng isang pagong sa Rio de Janeiro, Brazil.


Isang pamilya ang nagampon ng isang pagong at pinangalanan nila itong Manuela. Ngunit ang pagong na si manuela ay bigla nalang naglaho na parang bula at hindi na nila ito nakita ng matagal na panahon.


Walang tigil ang paghahanap nila kay Manuela ngunit walang bakas na iniwan ang pagong kaya tinangap nalang ng pamilya ang pagkawala ng kanilang alagang si Manuela.


Pero matapos ang 30 taon ang ama ay biglang pumanaw ang ama. Dahil dito napagdesisyonan ng mga anak nito na linisin ang stockroom ng kanyang ama at humanap ng mga bagay na puwedeng maging ala-ala nito para sa kanila.


Ngunit habang naglilinis ang mga bata, nagulat nalang sila nang bigla nilang nakita si manuela malapit sa mga kahon kung saan nakalagay ang ibang gamit ng ama.



Tuwang tuwa ang mga bata ng malaman nilang buhay si manuela ngunit hindi mawala sa kanilang isip kung paano napunta si manuela duon at paano ito nabuhay ng 30 taon sa loob ng stockroom ng walang pagkain.

Ayon sa isa sa mga anak na:

“How did Manuela survive 30 years in the storeroom? Without food and water, it seems!”


Dahil sa mga katanungan at pagkamangha, nagdesisyon ang pamilya na lumapit sa isang veterinarian at tinanong about sa kondisyon at sa nangyari sa kanilang alagang pagon na si Manuela.


Tinanong nila ang doktor kung paano nga ba nabuhay sa loob ng 30 taon si manuela ng walang pagkain at inumin.

Dito na nila nalaman ang totoong dahilan nang ipaliwanag sakanila ng veterinarian na ang mga red legged tortoise ay mga omnivorse at kumakain ito ng ibat-ibang uri ng pagkain mula sa gulay hangang insekto.

Dagdag pa ng veterinarian na ang mga ganitong uri ng pagong ay kayang mabuhay ng 2 hanggang 3 taon nang walang pagkain, ngunit ayon sa pagsusuri ng doktor na possibleng ang kahoy at mga puting langgam ang ginawang main diet ni maniwala upang makatagal ng halos 30 taon.


Talagang kahanga hanga ang buhay ng mga pagong, kaya pala ito ang isa sa mga hayop na nabubuhay ng matagal sa mundo. Ano ang masasabi niyo sa kuwento ni Manuela? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only