Friday, 8 June 2018

Ang Akala ng Batang ito ay Natutulog lang ang Kanyang Pumanaw na Ina sa Kabaong, Hindi Nagtagal Nagsalita ang Bata na Talagang Dumurog sa Puso ng mga Taong Nakarinig at Nakakita

Halos lahat ng bata ay wala pang masyadong alam pag dating sa salitang pumanaw at kung ano nga ba talaga ang kahulugan at naidudulot nito sa buhay ng isang tao.


Para sa iba, napakahirap tanggapin na wala na sa mundong ibabaw ang mahal nila sa buhay lalo na kung ito ay ang kanilang mga magulang.


Kaya sa mga panahong nararanasan nila ang kalungkutan kailangan may isang taong malapit sakanila ang nasa tabi nila upang gumabay at magbigay ng kaginhawaan para sa kanilang nararamdaman at para pumasok parin sa isip nila na hindi parin sila nag iisa.


Katulad nalang ng litrato ng batang ito na nagviral sa social media matapos makunan ng isang babae ng litrato ang isang batang lalaki na nakatitig sa kanyang inang pumanaw.

Dahil sa nakakaawang at nakakaiyak na imahe ng batang ito, hindi napigilan ng isang babae na kunan ito ng litrato at ibahagi sa social media at huminge ng tulong para sa mga netizen na ipagdasal ang nakakaawang bata para malagpasan niya ang pagkaulila nito sa kanyang ina.


Makikitang ang imahe ng batang ito ay halos katumbas ng isang libong salita na nagsasabi kung gaano kalungkot ang batang ito habang siya ay nakatitig sa kanyang ina sa loob ng kabaon nito.

Mas lalong nadurog ang puso ng mga tao sa lamay ng kanyang ina matapos sabihin ng bata ang mga katagang.


"Ma, Bakit hindi mo na ako tinatabihan kapag matutulog na ako?"

Talagang marami ang naiyak sa ipinakita at sinabi ng batang ito habang siya ay nakatitig sakanyang ina. Ayon pa sa netizen na nagupload ng picture na ang batang ito ay makikita na hilahila ang isang upuan gawing tungtungan para makita ang kanyang ina.


Sino nga ba ang hindi maiiyak sa ginawa ng bata? Ipagdasal nalang natin na sana maging maayos ang bata kahit wala na ang kanyang ina, at sana malagpasan at matagumpayan ang hamon ng buhay hanggang sa siya ay lumaki.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only