Monday, 11 June 2018

Isang 8 Taon Gulang na Bata ang Madalas Nakikita na Nag-aaral sa Gilid ng Daan ng Flyover Malapit sa Kanilang Bahay

Para sa ibang tao marahil ay mahirap makapag focus sa pagaaral kung ito ay gagawin mo sa kalsada, ngunit para sa 8 taon gulang na batang ito ay normal nalang sakanya ang mag-aral sa tabi ng kalsada tuwing gabi.


Isang bata ang nagviral sa social media matapos ito makunan ng larawan habang nagaaral sa isang Flyover. Ang batang si Qu Sinian ay madalas tumatambay sa Flyover malapit sa kanilang bahay araw-araw upang gawin ang kanyang mga takdang aralin.

Wala siyang ibang opsyon kundi gawin ang kanyang mga kailangang gawin sa gilid ng flyover kung saan may mas maliwanag na ilaw. Ayon kay Qu Sinian na masmainam pa daw na mag-aral sa gilid ng flyover dahil daw mas maliwanag dito kumpara sa kanilang bahay na walang ilaw dahilan upang mahirapan siyang gawin ang kanyang mga takdang aralin.


Marami din ang nagtatanong sa bata kung hindi ba daw ito nahihirapan mag-aral sa gilid ng flyover dahil maya maya ay may mga dumadaan na sasakyan. Ngunit sagot ng bata ay sanay na daw siya sa ingay at hindi na ito naging pahirap at problema para sakanya.

Si Qu ay tumatagal sa gilid ng kalsada sa may flyover ng halos apat na oras upang gawin ang kanyang mga takdang aralin at upang makapag basa basa narin ng kanyang mga leksyon.


Ang pamilya ni Qu ay nangungupahan lang sa isang maliit na bahay na may sukat na 8-square-meter.

Ayon sa ina ni Qu na:

“Our room has poor lighting. It’s too dark. Our family is too poor. (He) has to come here to do homework, there is no other way.”

Ayon pa sa mga ibinahaging salaysay ng ina ni Qu na, nagsimula silang maghirap ng husto ng maging paralisado ang kanyang asawa dahil sa isang aksidente sa pinagtratrabahoan nito walong taon na ang nakalipas.



Ang masaklap pa daw dito ay hindi siya makapagtrabaho ng mabuti dahil sa iniinda nitong karamdaman dahil daw mahina ang kanyang puso at hindi nila ito paipatingin sa doktor dahil wala silang sapat na pera.

Nang tinanong si Qu ng kanyang titser kung ano ang gusto nito paglaki, sinabi nito na gusto niya maging isang doktor upang kumita ng sapat na pera para sa kanyang pamilya at para magamot ang kanyang mga magulang.


Tinanong din si Qu kung ano ang gusto nitong regalos sa New Year at ang tanging gusto nito ay isang Desk Lamp para magawa niya ang kanyang mga takdang aralin sa kanilang bahay at para hindi na siya lumabas.

Ano ang masasabi niyo sa batang ito? Ibahagi ang inyong opinyon.

SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only