Saturday, 2 June 2018

Isang Barko na Nawala sa Karagatan ng Bermuda Triangle Nuong 1925, Biglang Lumitaw Malapit sa Karagatan ng Bansang Cuba

Muling nagpakita ang Barko ito matapos mawala sa ng mahigit 90 Years. Marami ang nagtaka sa muling paglitaw ng barkong SS Cotopaxi mula sa 90-taong na pagkakawala sa karagatan ng Bermuda Triangle.


Noong Disyembre 1925, ibinalita ang biglaang paglaho ng barkong SS Cotopaxi tramp steamer. Naiugnay ang pagka wala ng barkong ito sa isa sa mga pinakatanyag na karagatan sa buong mundo, ang Bermuda Triangle.


Ngunit nitong nakaraang taon lang isang balita ang inanunsyo ng Cuban Coast Guard na isang barko ang bigla nalang lumitaw malapit sa kanilang baybayin.


Noon una ay nagduda ang mga bantay dagat sa paglalayag ng barkong ito at sinubukan nilang makipag-ugnayan sa kapitan at sa mga tripulante ng barkong ito, ngunit wala silang natangap na sagot galing sa misteryosong barko.

Dito na nagdesisyon ang mga bantay dagat na lapitan at inspeksyonin ang barko at doon na nila nalaman na ito pala ang barkong SS Cotopaxi Tramp Steamer na bigla nalang naglahong bigla noong 1925.


Nagsaliksik ang mga bantay dagat patungkol sa misteryosong lumitaw na barkong ito at napagalaman nila at napatunayan sa mga dokumentong nakita nila sa loob ng barko na ito nga talaga ang SS Cotopaxi Tramp Steamer na bigla nalang naglaho sa karagatan na walang ano mang bakas.


Halos 90 taon din ang nakalipas simula kumalat ang balita ng pagkawala ng barkong ito, pero muling lumutang at nagpakita noong ika-16 ng Mayo.


Pinasok ang misteryosong barkong ito ng mga bantay dagat at naghanap ng mga posibleng magamit na dokomento para pagkunan ng impormasyon para sa pagkakakilanlan ng barkong ito.


Ayon sa mga datos na nakuha ng mga bantay dagat na ang barkong SS Cotopaxi ay naglayag mula sa Charleston, South Carolina patungong Havana, Cuba.

Pinangunahan ni Kapitan W.J. ang paglalayag ng barko kasama ng 32 tripulante. Naglalaman ang nasabing barko ng halos nasa 2340 toneladang kargamento ng uling.


Isinaad ng bise Presidente ng Council of Ministers ng Cuba na si General Abelardo Colomé na ang patuloy ang pagsasaliksik ng mga awtoridad ng cuba sa tunay na rason ng paglaho at muling paglitaw ng barkong ito sa karagatan


Ayon sa din sa mga eksperto na ang muling paglitaw ng SS Cotopaxi sa karagatan ng Cuba ay maaring makapagbigay ng dagdag impormasyon patungkol sa misteryosong Bermunda triangle.

Sa ngayon wala pang maipakitang dahilan ang mga awtoridad kung bakit nga ba biglang nawala at lumitaw ang barkong ito.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin.






SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only