Saturday, 9 June 2018

Isang Bata, Mangiyak-ngiyak Matapos Maipit sa Pagitan ng Dalawang Rehas. Hindi Siya Mialis ng Kanyang Ama Hangang Isang Ideya ang Naisip ng Bata Dahilan Upang Siya ay Makalaya

Hindi natin maitatanggi na karamihan sa mga bata ngayon ay sobrang malikot at kung ano ano ang ginagawa na minsan nagiging dahilan ng kanilang kapahamakan.


Madalas sa mga ito ay napupunta sa mga lugar o sitwasyon kung saan sila ay napapahamak dahil narin sa karamihan sa kabataan ngayon ay mausisa sa mga bagay bagay na kanilang nakikita.


Katulad nalang sa nangyari sa batang ito kung saan naipit ang kanyang ulo sa loob ng rehas sa kanilang bakuran. Hindi siya makaalis mula sa rehas na ito at hindi rin alam ng kanyang tatay kung ano ang gagawin upang maialis ito sa pagkakaipit nito.


Wala ring ideya ang tatay ng batang ito kung paano nga ba naipasok ng kanyang anak ang ulo sa gitna ng mga rehas na ito.

Tinanong ng ama ang kanyang anak at ang paliwanag ng kanyang anak na nagngangalang Joey ay naglalaro lang daw siya sa mga rehas na ito ng bigla nalang daw hindi niya na maialis ang kanyang ulo dito dahil sa pagkakaipit.

Naging kalmado si Joey sa mga pangyayaring iyon habang nangangamba ang kanyang mga magulang kung paano siya maiaalis mula sa pagkakaipit ng kanyang ulo.


Sinubukan ng kanyang ama na paluwagin ang mga bakal mula sa leeg ng bata at inasahang iyon lamang ang natatanging paraan para makaalis siya dito.


Ngunit hindi ito umepekto dahil ang mga bakal na ito ay hindi basta-basta bumibigay dahil sa ito ay matitibay at matitigas.


Naisipan ni Joey na gumawa ng kakaibang paraan para makatakas mula dito.


Kesa hilahin niya ang ulo niya palabas ng rehas, naisipan niyan itulak na lamang ang kanyang maliit na katawan at palusotin sa mga rehas.




Makikita sa video na tuwang-tuwa ang bata mula sa pagkakapiit sa kanya sa rehas ng kanilang bakuran. Ano ang masasabi niyo sa batang ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

Panoorin ang video sa baba:


source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only