Monday, 4 June 2018

Isang Bata, Nag Ala-Superhero Masagip lang ang Kanyang Kaibigan na Muntikan ng Masagasaan ng Sasakyan, Ngunit Dahilan naman Para Siya ang Malagay sa Kapahamakan

Madami na ang naibabalita ngayon na aksidenteng nangyayari na kinakasangkutan ng mga kabataan. Marami dito ay nakakaligtas pero may ilan din naman na hindi na pinapalad na makaligtas pa.


Kagaya na lang ng isang aksidenteng nangyari sa hindi pa malamang lugar. Nakuha sa cctv ang buong pangyayari kung saan isang grupo ng kabataan ang tumatawid sa isang kalsada nang muntikan ng mabundol ang isa sa mga ito.

Ang video na nakuha sa cctv na ito ay nagviral matapos sagipin ng isang bata ang kanyang kaibigan sa bingit ng disgrasya.


Makikita sa video na tumatakbo ang mga batang ito ng isa sakanila ay nakapansin sa paparating na sasakyan at nakita niya na isa sa mga kaibigan niya ay malapit na masagasaan. Dahil sa mabilis na pag iisip ng bata agad niya itong hinila upang iiwas sa paparating na sasakyan.

Ngunit sa kasamaang palad nag pumiglas ang kaibigan dahilan upang siya ang mawalan ng balanse at matumba, dahil dito muntikan na siyang maipit ng sasakyan buti nalang at pumailalim lang ito at walang ano mang parte ng katawan ang nadaanan ng sasakyan.


Makikita na pumailalim ang bata sa sasakyan at pagdaan ng sasakyan agad din ito tumayo na parang walang ngyari.


Sinasabi ng marami na napaka suwerte ng bata dahil hindi ito naipit sa rumaragasang sasakyan. Makikita din sa cctv na halos malapit na ang paa ng bata sa gulong ng sasakyan buti nalang at agad niya itong naitaas dahilan upang siya ay makaligtas.


Kaya sa mga nanay, laging bantayan ang mga anak upang makaiwas sa ganitong mga pangyayari na puwedeng ikapahamak ng mga ito.

Ayon sa netizen na nagupload ng video na si Jin Marquez Dela Torre:



Jusko po. Bantayan nyo mabuti anak nyo. Napaka BWENAS ng batang ito. Tsk!!!
Ps.
Jeffrey Lechen Flan: Yung bata kasi na naka green , yung papa niya gumagawa ng leche flan.
Yung nagsasalita: Tanod po dito sa barangay namin 😊
Ano ang masasabi nyo sa katapangan ng batang ito? Ibahagi saamin ang inyong reaksyon.

source: philtrend




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only