Friday, 8 June 2018

Isang Indonesian na Babae at Korean na Lalaki ang Pinagtagpo ng Pagibig Ngunit Kinukutya ng Marami Dahil sa Hindi daw Sila Bagay. Hindi Nagtagal Ginulat Nila ang Marami sa Kanilang Ginawa.

Ika nga sa mga kasabihan, “true love knows no bounds.” Sa panahon ngayon, mas mabilis na ang proseso ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kaya naman madali lang sa kanila ang magpahayag ng kanilang nararamdaman kahit na magkaiba sila ng kultura.


Katulad na lamang ng pag-iibigan sa pagitan ng isang babaeng nagmula sa Indonesia at isang lalaking nagmula sa Korea. Nagawa nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mental at pisikal na pagsubok na kanilang hinarap.



Katulad ng ibang mga ordinaryong tao, sa ngayon, marami sa kanila ang nahuhumaling sa kultura ng Korea. Nagiging sikat na sa buong mundo ang mga tanyag na palabas at musika na nagmula pa sa bansang Korea.

Karamihan din sa mga tagahanga nito ay mga babaeng nahuhumaling sa mga Korean dramas at pinapantasya ang mga kalalakihan dito. Sa panahon ngayon, ang mga aktor sa mga pelikulang kanilang pinapanood ay ang nagiging batayan nila bilang isang kaakit-akit na prinsipe sa kanilang mga panaginip.


Ngunit para kay Vera Nandra Putri, nagkatotoo ang lahat ng kanyang mga pangarap ng makilala niya ang isang prinsipe tulad ni Jun.

Si Vera, 29 na taong gulang na nagmula sa Indonesia, ay isa sa mga babaeng nahuhumaling sa kultura at mga sikat na artista ng Korea. Madalas siyang nanunuod ng mga sikat na palabas sa Korean TV lalong-lalo na ang “Running Man.”


Naging interesado si Vera sa kultura ng Korea kaya naman napagdesisyunan niya na pumunta ng South Korea upang matuto ng kanilang linguwahe at mapag-aralan ang kanilang kultura. Naisip niya na mas madali matuto ng linguwahe ng mga koreano kung makikipag-usap siya sa mga lokal sa bansa na ito.

Habang siya ay naninirahan sa South Korea, nakilala ni Vera ang isang koreanong nagngangalang Jun. Noong umpisa pa lamang ay masaya silang nagkikita at nagsasama bilang magkaibigan ngunit kinalaunan ay nagbago ang lahat ng ito.

Hindi nila inaasahan na ito ay matutuloy sa isang malalim na relasyon. Si Jun ay isang graphic designer na mayroong itsurang kahawig ng mga sikat na artista sa Korea kaya naman madaling nabighani si Vera sa kanya.


Masasabi ring may malalim na pagtingin din si Jun kay Vera kaya naman napapayag ang kanilang mga magulang sa kanilang relasyon.

Ngunit nang ilahad ni Vera ang kanilang mga larawan sa social media, nakatanggap sila ng napakaraming pangungutya at insulto. Inisip nila na biro lamang ang kanilang relasyon at sinabi din nila na hindi raw bagay si vera para kay Jun. Sinabihan din nila na hindi raw magtatagal ang kanilang relasyon dahil makakahanap pa ng mas magandang babae si Jun.


Ininsulto ng mga netizens sa social media ang larawan ng dalawa na nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng Korea habang kasama ang pamilya ni Jun.

Kaya naman ikinagulat ng mga netizens na sumusubaybay sa kanilang relasyon nang malaman nila ang planong pagpapakasal ni Jun kay Vera. Humingi pa ng permiso si Jun sa pamilya ni Vera upang makuha ang kanilang basbas sa planong pagpapakasal.


Sa kabila ng lahat ng pangungutyang natanggap ni Vera, nagawa pa rin niyang maging masaya dahil ang mapapakasalan niya ay ang lalaking matagal niya ng pinapangarap.

Nagawa rin ni Jun na pag-aralan ang mga turo sa Islam para sa kanyang minamahal na sa asawa. Dinala rin siya ni Vera sa Jakarta upang makilala siya ng pormal ng kanyang pamilya.


Nagpakasal sila sa ilalim ng seremonya ng pag-iisang dibdib na naka-ayon sa tradisyon ng Indonesia.



Nagpakasal din muli silang dalawa sa ilalim ng tradisyon ng Korea. Makikita sa kanilang mga larawan ang pag-iisang dibdib.


Naging espesyal ang araw na iyon para kina Vera at Jun dahil dumalo sa kanilang kasal ang dating presidente na si Susilo Bambang Yudhoyono at ang kanyang asawa na si Ani Yudhoyono.

Anong masasabi niyo sa pag-iibigan nina Vera at Jun? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only