Saturday, 2 June 2018

Isang Kakaibang Bato ang Nakita at Inuwi ng Isang Babae Mula sa Baybayin. Pero nang Linisin nila ito ng Kanyang Ama Laking Gulat Nalang nila sa Kanilang Nadiskobre

Isang kakaibang bato ang nakita ng isang babae mula sa baybayin ng dagat. Nang buksan nila ang bato, nagulat sila bagay na ito.


Habang namamasyal ang babaeng ito sa tabi ng dagat, may napansin siya na kakaibang bato na nakabaon sa buhangin. Hinukay niya ito at dinala pauwi.

Pinagalitan siya ng kanyang ina dahil sa dinalang bato na galing sa dagat na puno ng lumot. Ngunit napansin ng kanyang ama na hindi ito isang ordinaryong bato.


Ang ama ng batang babae ay mayroong karanasan sa pagsisid sa ilalim ng dagat kaya naman nakilala niya agad ang kakaibang bato na ito.


Nilinis nila ang bato upang matanggal ang buhangin pati na rin ang mga lumot na bumabalot dito. Nang malinis nila ito ng tuluyan ang bato. Natuwa ang ama ng malaman na ang batong ito pala ay isang abalone na sobrang bihira lang makita.

Ang red abalone ay isa sa pinakamalaking abalone o susong dagat na may espesyal na tekstura.
Sinasabi rin na ang ganitong klaseng bato ay mahirap makita dahil halos kamukha nito ang isang ordinaryong bato.


Sa tulong ng kanyang ama, binuksan nila ang loob ng red abalone at niluto ang laman nito. Masasabing ang laman ng kabibing ito ay isa sa pinakamasarap na puwedeng kainin na makikita sa ilalim ng dagat. Ang presyo din ng isang red abalone ay napakamahal dahil bihira lang na makakita ng ganito.



Ikinagulat at ikinatuwa din nila nang makakita sila ng itim na perlas sa loob ng kabibi ng red abalone na ito. Ito ay napakabihira lang din na makita dahil ayon sa mga eksperto na napakakumplikado ang proseso kung paano ito mabuo sa loob ng abalone.


Kilala rin ito sa tawag na “the most painful tears of the abalone.” Kaya naman kinikilala ito sa mahahalagang yaman na kakaunti lamang ang nakakakuha.”

Nakakuha sila ng apat na itim na perlas sa loob nito.


Hindi maipagkakaila na ang red abalone na dinala ng batang babae ay isang nakamamanghang kayamanan!


Talaga nga namang suwerte ang batang ito dahil nakakuha siya ng mga itim na perlas at natikman niya pa ang napakasarap na abalone.

Anong masasabi ninyo sa napakasuwerteng bata na nakatagpo sa red abalone? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: goodtimes




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only