Saturday, 9 June 2018

Nagalala ang Babaeng ito nang Biglang Pumito ang Referee at Nakitang Nakaluhod ang Kanyang Boyfriend Habang Namimilipit sa Sakit, Ngunit Nagulat ang Lahat sa Totoong Pakay ng Lalaking ito

Isa sa pinaka exciting na pangyayari sa buhay ng isang tao ay ang pagalok ng kasal sa kanilang mga minamahal.


Kaya karamihan sa mga lalaki, gustong maging perpekto at kakaiba ang kanilang marriage proposal para mas matuwa at mas mapa laki ang chansa na mapa oo nila ang kanilang mga minamahal.

Para naman sa mga babae may ibang gusto lang ng simpleng proposal pero may iba din naman na gustong makaranas ng kakaibang proposal mula sa kanilang boyfriend dahil para sakanila minsan lang mangyari sa buhay nila ang ganito.


Katulad nalang ng kuwento ng magkasintahang ito na pinakilig ang buong tao sa isang basketball court matapos magproposed ang isang lalaki sa kakaiba at napaka lupet na paraan.

Nitong nakaraan lang isang basketball game ang naging matunog sa social media dahil sa wedding proposal na isinagawa ng netizen na si Lhear Roque.

Ang buong proposal ay planado na Lhear at kinuntsaba narin niya ang mga kaibigan at kalaro niya sa basketball. 


Ayon sa salaysay ng ilan sa mga nakasaksi na ang girlfriend ni Lhear Roque na si Chea Chea ay nanonood lamang sa kanilang laro nang mga oras na iyon hangang isang pangyayari ang hindi inaasahan ni Chea.


Biglang pumito ang Referee at tumawag ito ng Injuree timeout sa simula ng third quarter dahil biglang napaluhod si Lhear sa hindi malamang dahilan. Ang akala ni Chea ay na injured si Lhear kaya agad itong lumapit sakanya.



Nagalala si Chea dahil napansin niyang hindi makatayo si Lhear, habang sumisigaw ang mga tao sa paligid nito na 'bigyan niyo ng hangin', biglang tumingala si Lhear hawak ang kamay ni Chea at ipinakita ang engagement ring sakanya.



Ang hindi din alam ni Chea na habang alalang alala siya kay Lhear at tinitignan ito kung ano ba talaga ang nangyari dito ay busy din ang mga kaibigan ni Lhear na ginagawa ang isang formation na nagbuo ng mga katagang "Will You Marry Me?"


Dito na tuluyang tumulo ang luha ni Chea Chea hanggang sinabi ang mga katagang "Yes" kay Lhear.



Dahil dito tuwang tuwa ang mga taong nakasaksi sa kanilang nakakakilig na proposal. Ang video ng proposal ni Lhear ay nagviral sa social media at humakot ng libo libong reaksyon at mga kinikilig na komento galing sa mga netizens.


Ano ang masasabi niyo sa ginawang proposal ni Lhear kay Chea Chea? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: pilipinoscoop



SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only