Friday, 8 June 2018

“We made it just through the doors" Isang Ina, Isinalaysay ang Kanyang Naging Karanasan Matapos Manganak sa Pasilyo ng Ospital

Isang buntis ang hindi umabot sa emergency room ng ospital upang doon manganak. Isinalaysay niya lahat ng nangyari ng mga oras na iyon at kung paano siya nanganak sa hallway lang ng ospital na silang dalawa lang ng kanyang magasawa ang sumalo sa bata.


Dagdag pa nila na umabot nga sila sa ospital pero hangang pinto at hallway lang, dahil habang naglalakad na sila sa hallway papuntang emergency room bigla ng lumabas ang ulo ng bata.


Ayon sa isinalaysay ng babae na:

Naalala ko noong mga oras na iyon na lalabas na ang bata. Sinabi ko na: “Travis, ito na ‘yun. Andito na ang bata. Kailangan mo siyang saluhin!”

Tumingin siya at nalaman niyang andoon na nga ang bata. Nararamdaman ko ang ulo ng bata sa aking mga kamay. Buti na lang at naroon ang aking asawa at sinalo ang bata nang walang hesitasyon. Isang beses ko lamang siyang inire at sumunod na lang din ang katawan ko sa kailangan nitong gawin.


At ganoon na lamang ang nangyari. Nailabas ko siya sa sahig ng emergency unit ng ospital.


Dahan-dahang inilapit sa aking dibdib ang bata. Naalala ko pa ang asawa kong nakahalili sa akin habang hawak-hawak niya ang aking mga balikat at inilalagay ang tuwalya sa ilalim ng aking ulo. 


Nag-aalala siya dahil nakikita niyang hindi ako kumportable sa aking posisyon kaya naman ginawa niya ang lahat para maging komportable lang ako. Masasabi kong isa siyang mahusay na asawa at responsableng ama para sa aking anak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko noong mga oras na iyon.


Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman ko nang inilapit ang anak ko sa aking dibdib. Naipanganak ko ang aking sanggol kahit mahigit 5 minuto pa lamang kami sa ospital. Nasasabik rin ang limang anak ko na babae at gustong-gusto nilang makita ang bago nilang kapatid.



Ito ang kauna-unahang anak na lalaki sa aming pamilya kaya naman hindi pa sila sigurado sa kanilang nararamdaman. Ngunit nang makita nila ang sanggol nilang kapatid na lalaki, lubos akong nagalak dahil hindi ko maipinta ang kanilang mga ngiti.


Iyon na ata pinakamasayang alaala na hinding-hindi ko makakalimutan. Labis na saya ang ipinagkaloob sa akin ng mga oras na iyon at nais kong makitang muli ang mga pangyayaring naganap noong araw na iyon. Ito ang mga karanasang maituturing ko na parang kayamanan habang buhay.

Anong masasabi ninyo sa pangyayaring ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: lovewhatmatters




SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only