Sunday, 10 June 2018

Yeng Constantino, Ibinahagi ang Kanyang Simple Pero Napakagandang Buhay sa Probinsya sa Pamamagitan ng Kanyang Vlog

Ilan sa mga sumikat na artista at singer ngayon ay nangaling lang din sa ibat-ibang probinsya. Kaya karamihan sa mga ito ay hinahanap hanap din ang tahimik, sariwang simoy ng hanging, at masasarap na lutong probinsya kung saan sila lumaki.


Kaya kung may pagkakataon ilan sa mga sikat na personalidad na ito sa mundo ng showbiz ay gumagawa ng paraan upang makapagbakasyon sa kani kanilang mga probinsya.


Isa na dito ay ang sikat na mangaawit na si Yeng Constantino kung saan madalas siyang umuuwi sa kanilang probinsya kapag marami siyang bakanteng oras upang makapag bakasyon at mabisita narin ang kanyang mga magulang.


Makikita sa personalidad ni Yeng ang kasimplehan sa buhay dahil narin sa lumaki siya sa isang simpleng buhay sa isang simpleng bahay na may sariwang hanging, tubig na talagang ipinagmamalaki niya at hindi niya kailanman ikahihiya.


Selfie ni Yeng kasama ang kanyang poging Ama.

Kaya para mabigyan ng pasilip ang kanyang mga followers sa kanyang vlog, ibinahagi ni Yeng ang kanyang buhay sa probinsya. Makikita sa mga video na inupload ni Yeng kung gaano siya kasaya kapag kapiling niya ang kanyang mga magulang at kamag-anak.


Ang bahay nila Yeng ay isang maliit lamang na kubo kung saan may napaka presko at napaka komportable kung ikaw ang maninirahan dito.



Ipinakilala ni Yeng ang kanyang mga magulang sa kanyang mga followers at sa buong mundo narin sa pamamagitan ng pagupload ng kanyang vlog. Ang kanyang mga magulang na si Mang Lito at Aleng Susan ay makikitang mga simple lang din na tao at kitang kita ang pagmamahal nila sa kanilang anak na si Yeng.


Dahil masyadong liblib ang lugar kung saan nakatira si Yeng at ang kanyang pamilya, naging mahirap para sakanya na iupload ang kanyang mga videos na nakunan kaya naman kailangan pa nilang maglakbay at maghanap ng lugar kung saan may malakas na signal.


Si Yeng at ang kanyang asawa na si Victor "Yan" Asuncion.

Gamit ang kanilang sasakyan kasama ang nanay at tatay niya naghanap sila ng signal upang maiupload lang ni yeng ang kanyang mga video.


Ibinahagi din ni Yeng sa kanyang vlog ang kanilang napakaganda at napakalawak na sakahan at ang ibat ibang uri ng tanim nila katulad nalang ng pinya, manga, calamansi at palay.


Tuwang tuwa ang mga netizens lalong lalo na ang mga Yengster sa mga inupload na video ni Yeng na kanyang tintuluhan na Buhay Probinsya Part 1 and 2.

Buhay Probinsya Part 1: Uploaded by Yeng Constantino


Buhay Probinsya Part 1: Uploaded by Yeng Constantino



Talaga nga namang kahanga hanga si Yeng at makikita kung gano na kalayo ang kanyang narating, pero kahit napakalayo na at napakatayog na ng kanyang narating hindi parin mawawala kay Yeng ang kagustuhan na bumalik sa kanilang probinsya at namnamin ang tahimik at simpleng pamumuhay.

Ano ang masasabi niyo sa artikulo na ito? Ibahagi saamin.

source: kami





SPONSORED LINKS

Whatsapp Button works on Mobile Device only